Napansin ko na nag-relax siya ng mukha. Hindi na siya mukhang galit. Siguro nahihiya siya kapag nakakatawa yung mukha niya.So yun nga yung nangyari, lumarga na kami. Wala namang mangyayari kung tatayo lang kaming lahat doon. Kaming anim eh sumakay lang ng jeep. Tumabi pa nga sa akin si Awryn at katabi rin niya yung date niya at si Terrence eh sa pinakadulo ng jeep katabi ko rin at si Carlo at Tjay naman eh sa harapan namin. Wala naman daw talaga kaming mga plano lahat, pero sabi nila bahala na daw. Usually naman daw kapag may lakad ang magbabarkada, kung saan lang daw naman napupunta. Hindi naman namin alam ni Tjay, dahil hindi naman kami nakikisama sa naman namin alam ni Tjay, dahil hindi naman kami nakikisama sa barkada namin. Dahil sa barkada namin, kami lang... minsan kasama si Johnny.Nakasundo naman namin kaagad ni Tjay yung date ni Arwyn, si Juana. Sabi nga niya Joan na lang daw kasi yung name niya pang-matanda. Ang nagtataka lang ako eh kung bakit sumama siya kay Arwyn eh samantalang napaka-conceited ng tao na iyon. Samantalang siya mabait naman.Napag-usapan naming lahat na kakain na muna kami para hindi kami gutom. Dalawa yung choices, PizzaHauz at Parrot Ice. So nandun pa lang kami sa jeep eh nagtatalo-talo kami kung saan kakain."Parrot Ice na kasi!" sabi ni Tjay nun."Oo nga.." tapos tumingin ako kay Joan, tumango lang din siya."Parrot Ice? Wala namang makakain diyan. PizzaHauz na lang."Si Carlo patawa-tawa lang pero halata mong sa PizzaHauz niya gusto."Sige na nga botohan na lang. Sinong gusto sa PizzaHauz?" Nagtaas ng kamay nun si Carlo at si Arwyn."Sinong gusto sa Parrot Ice?" tapos nagtaasan kaming mga "Sinong gusto sa Parrot Ice?" tapos nagtaasan kaming mga babae ng kamay namin.Then nagtawanan kaming tatlo dahil nga 3-2 ang score. Panalo kami."Paano ba yan nanalo kami. Parrot Ice na.""Teka lang hindi pa bumoboto si Terrence eh.." then kinalabit niya si Terrence sa balikat, "Ikaw Terrence, san mo ba gusto?"Finally tumingin na rin si Terrence nun sa aming lahat. Hindi niya alam na nagtatalo-talo kami. Tapos kaming mga babae eh nagpuppy dog look na kunwari eh nagmamakaawa kami sa kanya."Anong choices?""PizzaHauz o kaya Parrot Ice." sabi ni Carlo.Tumingin siya sa aming mga babae tapos nagsalubong yung kilay niya, then ok na naman uli."Give me a break. Parrot Ice?!?" sarcastic yung pagkakasabi niya, "PizzaHauz syempre."E di yun. 3-3 yung score. Dahil ayaw patalo ng guys, nauwi pa sa Rock Paper Scissors yung laban. Si Tjay at si Arwyn ang naglaro. Syempre natalo si Tjay. So in the end, sa PizzaHauz kami kumain. Date ba talaga ito? Bakit ayaw yata kaming kami kumain. Date ba talaga ito? Bakit ayaw yata kaming pagbigyan nung mga lalaki? Ang sama ng mga ugali!Pero nakita na rin namin yung point nila. Sa PizzaHauz pala, hindi lang pizza ang sineserve. Specialty lang nila yun. Pero may spaghetti, burgers, saka ice creams din naman pala. So yun, inorder namin yung ice cream. Gusto sana namin sa Parrot Ice kasi iba't ibang klase, pero ayos na rin doon."Anong order mo?" tinanong ako ni Terrence nun.Aba, siya yata magbabayad ah."Yung medium size na ice cream na lang. Strawberry." sabi ko pero parang hindi nakikinig si Terrence nun."Pizza na lang kaya sa akin," narinig kong bumubulong siya sa sarili niya, "Ano sa iyo uli?""Strawberry ice cream. Yung medium."Tinignan niya ako nun na para bang may nasabi akong masama. Kaya pakiramdam ko tuloy parang napakauncomfortable. Mahal ba yung inorder ko? Hindi naman
YOU ARE READING
A PLACE IN TIME: CHAPTER 7
RomansaNone of these works are mine, all the copyrights goes to the rightful owner ms @j_harry08 This is published to share and for others to read to since wala ang chap 7 sa wattpad. Thank you and sorry! This book is private so follow po muna ako before r...
