May mga taong itinadhana para magmahal.
May mga taong itinadhana para mahalin ang isa't isa.
At mga taong itinadhanang magkasama.
Pero hindi lahat ng tao mabibigyan ng ganyang pagkakataon.
Madaming nagmahal ng taong hindi naman sila kayang mahalin.
Madami ding taong mahal ang isa't isa pero hindi tinadhanang magkasama.
Paano mo nga kaya malalaman kung sinong para sayo?
Paano mo kaya siya makikilala?
Nakita mo na kaya siya?
Nakausap? Nakasama?
Dumaan na pero sa ibang direksyon ka nakatingin?
O yung na sayo na, pero akala mo may mali kaya pinakawalan mo?
Pinakawalan ko siya.
At iyon na siguro ang pinakamaling ginawa ko sa buhay ko.
YOU ARE READING
Not my type (MiChaeng FanFic)
FanfictionMiChaeng Fan Fiction in Tagalog for Filipino Once