Start na ng classes tomorrow.
Second semester na. Parang kailan lang.
At dahil kailangan ko magmove-on. Itinapon ko lahat ng bagay na bigay sa akin ni Jimin.
Teddy Bears, mga pinatuyo kong roses, mga letters at kahit yung pick. Maliban sa isang shirt na pinakapaborito ko. Magmomove-on lang naman ako. Hindi ko siya kailangan kalimutan.
Kailangan lang dumating sa yung panahon na wala na kong mararamdaman na kahit ano kapag isinuot ko tong shirt na to. Hindi katulad ngayon. Halos mabasa ko na siya sa sobrang iyak ko.
"Chaeng!!!!!" Hala. Bat sumisigaw yung mama ko. At Chaeng ang sabi niya, ibig-sabihin ako yung tinatawag niya.
"Po?" Sabi ko habang bumababa ng hagdan.
"Halika nga, samahan mo ko magpagupit" Yun lang naman pala, akala ko nahalata na niya na kulang yung mga iniipon niyang baso. Nabasag ko kasi ng hindi sinasadya nung isang araw. ^__^V
" Osige po, magpapalit lang po ko saglit ng damit."
After 20 minutes, tapos na ko magpalit ng damit. Umalis na kami ni Mama.
Nung nasa Salon na kame,umupo lang sa may sofa si Mama, kaya nagtataka ko. Maya-maya lumabas na yung beautician.
"Gupitan mo nga yang anak ko." Sabi ni Mama, hala ka, hindi nga ako nagpapaputol ng buhok e. Pano ang gusto ni Jimin, mahaba yung buhok ko. At dahil sa naalala ko,dali-dali akong umupo dun sa upuan ng gugupitan.
"Mare, excited ba sa gunting tong anak mo?" Sabi nung baklang beautician.
" Baka, makati na yung anit, madaming balakubak yan e." Sagot naman ng mama ko. Grabe siya di na nahiya.
" Ma naman." Pag-iinarte ko.
" Joke lang." Hindi nakakatuwa yung joke mo Mama ah.
" Pakiiklian po yung buhok ko parang kay Kristen Stewart, pa-dye nadin po ng light brown."
At yon. Matapos ang dalawang oras. Meet the new Chaeyoung na. :)
Hindi ko na makilala yung babae sa salamin. Charot. Kulay lang naman ng buhok yung pinalitan sa akin tapos tinapyasan ng konti.
Dumaan muna kami sa mall bago umuwi. Hoho. Binilhan ako ng bagong bag ang saya-saya.
Pag-uwi namin ng bahay, nandun na si Papa. Madilim yung mukha niya. Pagpasok namin ng pinto may mga maleta sa labas. Dalawang malaki.
"Ano to?" Sabi ko sa bunso namin na nakaupo sa dulo ng hagdan. Pero may mali, may napansin ako. Namumugto yung mata ni Clang.At tama ng ako, may mali.
"Umakyat na kayong dalawa." Utos sa amin ni Papa. Sa mukha niyang yon mata lang ang walang latay ng hindi sumunod kaya umakyat na kami ni Clang. Wala kaming narinig kundi yabag sa hagdan at pagsarado ng pinto sa kwarto nila mama at papa.
Hindi na kami lumabas.
At hindi na namin ulit nakita si Mama.
YOU ARE READING
Not my type (MiChaeng FanFic)
FanfictionMiChaeng Fan Fiction in Tagalog for Filipino Once