First.
First day sa school.
First time sa lahat.
First time maging first year.
Kasama ko ang boyfriend kong si Jimin.
At oo, first boyfriend ko siya.
Jimin. Hindi ako sigurado kung siya na nga ba yung best boyfriend ever dahil tulad nga ng sabi ko he is my FIRST boyfriend. Mahirap magkumpara ng bagay na wala namang pagkukumparahan. Hindi naman ako tanga no.
Mabait si Jimin. Pinakilala na niya ko sa parents niya. Pero siya, hindi ko alam kung kailan ako magkakaron ng tapang na iharap siya sa tatay ko. Ang ama ko lang naman ang nag-iisang taong bumubuga ng apoy kapag nagagalit siya.Siya yung tipo ng ama na mas matatanggap pa na nagpakamatay yung anak niya kaysa malaman niyang may boyfriend na yon.
Hindi ko naman masisisi si Papa. Anim kaming magkakapatid. Pang-lima ako. At lahat kami babae. At lahat ng sinundan ko ngayon ay may asawa na. 16 years old lang ako at ang agwat naming magkakapatid ay tigdadalawang taon.
Grabe. Malamang yan yung lumabas sa bibig mo. Oo, grabe. Kaya nga hindi ko masisisi si Papa eh. Pero hayaan mo na siya. Hindi naman tungkol sa pamilya namin ang kwentong to.
Balik tayo kay Jimin.
Mabait siya. Minsan. Sweet. In his own little ways. Mabisyo? Sobra. Yung type ko kase e yung bad boy. Hindi ko naman alam na ganun pala ko kalakas kay Bro at talagang binigyan niya ko ng literal na bad boy.
Alam ko na yang itatanong mo, bakit ko siya nagustuhan?
Siyempre, ganun din ako. Birds with the same feather, flocks together. :D
I'm not an addict, but I once tried drugs.
I'm not a drunkard, but I drink.
Pero ni minsan hindi pa ko nagyosi, sa Lung cancer kase namatay yung Lolo ko. Natakot lang dre.
Hindi ako sakit sa ulo ng mga magulang ko. Sadyang kaya ko lang pagsabayin ang pag-aaral at pagbubulakbol.
Ayokong sumasama ang loob ni Papssy. Mahal ko yon.
Kaya nga kahit ang gusto kong course ay Psychology, sinunod ko etong gusto niya, ang maging teacher.
Gulat na gulat ka siguro no, oo Education ang course ko. Mismo ako gulat na gulat din. Nakakagulat talaga na tinanggap ako sa College of Education kahit na apat yung butas ko sa tenga at lahat yon may hikaw nung interview. Masyado sigurong nagandahan sakin yung Professor na totoy na yon. Teka isasara ko lang yung bintana. Ang lakas ng hangin.
First. First. First.
First day nga pala namin ngayon.
At for the very first time in my very first day in my very first year.
15 minutes na akong late...
YOU ARE READING
Not my type (MiChaeng FanFic)
Fiksi PenggemarMiChaeng Fan Fiction in Tagalog for Filipino Once