Chapter 2: First day

1.1K 41 8
                                    



Hinatid ako ni Jimin hanggang sa classroom. Walang prof sa first subject. At tamad din yung mga kaklase ko.

Kalahati palang sila nung dumating ako. Block section kame. Kaya panigurado etong mga mukhang to ay makakasawaan ko nalang sa loob ng apat na taon.

Dahil kalahati na nga ang mga dumating, Puno na yung likod. Siyempre yun yung target seat ng mga estudyanteng mahiyain "kuno". Pero mayamaya e, makakabisado mo na yung boses dahil sa sobrang daldal. Yung mga pabibo type. Kadalasan sila yung mga class clowns. Swerte kung class clowns. Malas kung yun yung mga mean girls na walang alam kundi mag-inarte, at ipaalam, sa buong klase kung ano o alin ba yung mga ayaw nila kahit wala naman nagtatanong.

Sa third row, may isang bakante, ayoko dun sa nasa kanan nung bakante, parang masungit.

Sa second row, ayoko malapit sa board, mas lalo naman sa first row, hindi ako martir para magapakamatay tuwing may recitation, syempre pag nasa harap ka lagi kang matatawag.

At mas lalaong ayokong ubuhin o sipunin kapag nagpapa-ulan na ng laway sa discussion yung mga professor.

So no choice dun ako umupo sa nagiisang bakante sa third row. Dalawa yung katabi ko. Duh. Malamang. Ang nonsense ko minsan no?

"Hi!" Sabi nung babae sa kaliwa ko. Kulang nalang mapunit yung mukha niya sa sobrang ngiti.

"Hello!" Syempre ngumiti din akong todo, baka naman sabihin niya masama ugali ko, kahit totoo naman. Inoffer ko nadin yung hands ko.

"I'm Dahyun. Ikaw? Name mo?" Todo ngiti padin siya.

"I'm Chaeyoung. Chaeng nalang for short. Kanina ka pa dito?" Syempre ngumiti padin ako.

"Ah, oo medyo ang aga ko nga e. Nauna lang sakin yung babaing isa, kaso lumabas siya nung dumami na yung tao. Weird nga e."

"Ahh, I see. Tiga-saan ka? San ka galing na school?" Ngiti ng todo. I must continue the conversation para di ako mapanisan ng laway at interesado naman talaga ko sa kanya. Chix kaya. Mhmm. Yummy. :D

"Ah I'm from Diliman Preparatory School sa Quezon city. And I'm from Fairview, Quezon city."

" Talaga?" Natuwa talaga ako, hindi yan kaplastikan. Tiga- Quezon city din ako, sa may Commonwealth nga lang. Pero at least malapit na diba?" Smile na smile ata ako masyado. Biruin mo ba naman kase hanggang 9pm kame kase nightshift ang pinakapinoproblema ko lang talaga e kung sinong makakasabay ko pauwi.

" Yey! Edi pwede tayong sabay umuwi? Salamat kay Lord. Ayy, wala ka bang kasabay?"sabi niya. Natuwa din siya.

" Wala nga e. Sige sabay tayo ah." Ang saya saya, may kasabay na ko, at ehem, from Diliman Prep e private yon pangmayaman. Baka manlibre siya ng pamasahe. Hehe. Ang taba ng utak ko.

Ayon ang dami nameng napagkwentuhan habang nakatingin ako sa legs niya. Haha. Joke. And jokes are half-meant.

Syempre panahon na para lingunin ko naman yung katabi ko sa kanan. At tama ang first impression ko. Masungit siya.

" Hi! I'm Chaeyoung, ikaw?" Ngiting-ngiiti na ko niyan, kahit nakabusangot yung pagmumukha niya.

" Ako si Jeongyeon." At oo. Yan lang ang nakuha kong sagot sa kanya, at bigla nalang siyang dumukdok sa desk niya.

After 20 minutes. Dumating yung Professor namen sa English. Ang pogi. Laglag lahat sayo pag nakita mo to. Pwede ka ng magdala ng kanin at ulam na ulam na siya. Papable.

At siyempre may first day ba naman na walang..

"Introduce youself."


Not my type (MiChaeng FanFic)Where stories live. Discover now