Prom Night

45 2 0
                                    


Ang pagpapatuloy.....

Karylle's POV

Grabe ang bilis ng panahon! Parang kailan lang noong first day of class namin, eh ngayon 2nd quarter na kami this school year. Ayun nga, wala pa ring nagbabago sa amin ni JM friends pa rin kami actually kaming apat nina Iza, Anne, JM at ako ang laging magkakasama. Minsan nagtataka na din ako kung bakit sa amin siya sumasama pero okay na din yun kasi lagi ko siyang kasama. Maraming nagsasabi na kaya daw sa amin sumasama si JM kasi bakla daw siya. Hays syempre di kami naniniwala dun! Alam niyo naman ngayon uso ang fake news pero kahit na ganon marami pa ring kababaihan ang nagkakagusto sa kaniya. Well girls, di ko naman kayo masisisi kasi pogi naman talaga siya at mabait pa!

So, ngayon andito kami sa may library...

"Uy ano ba talaga yang iniisip mo?" Bulong sa akin ng katabi kong si JM

"Ha?" Ngayon ko lang narealize na kanina pa pala akong nakatulala

"Sabi ko ano ba yang iniisip mo at kanina ka pa dyang tulala"

"Wala, wala" Sabi ko

"Sus, Karylle may iniisip ka eh" Pang-aasar na naman sa akin ni Anne.

"Shhh wag nga kayong maingay" pagsasaway ko

"Hay nako guys, magkukwentuhan lang ba tayo dito o gagawa ng assignments?" striktong tanong ni Iza

"Sorry po, Maam Iza" Sabay na sabi namin ni JM.

"Hahaha bakit ba masyado kang strikto dyan?" Tanong ni Anne kay Iza

"Syempre kailangan na nating tapusin ang assignments natin para wala na tayong problema bukas" paliwanag nito

"Yan nga ba ang dahilan?" pang-aasar ko kay Iza

"Wait guys, nakikita nyo ba yon? Yun oh yun" sabi ni JM na may itinuturo

"Sino ba yon?" tanong ni Anne

"Yun, si...si Jhong oh" sabay turo ulit ni JM

"Talaga nasaan?" sabi ni Iza habang tinitingnan ang itinuturong direksyon ni JM

Tumawa lang naman kaming tatlo sa naging reaksyon ni Iza.

Matalim naman kaming tinitigan ni Iza

"Sorry na" Sabay-sabay na sabi naming tatlo na natatawa pa din

"Girl, aminin mo na kasi na may crush ka kay Jhong Heleco. Crush lang naman eh" pang-aasar ni Anne

"Crush is paghanga lang naman eh" Natatawa pa ring sabi ni Karylle

"Kayong ah kung makapang-asar kayo akala niyo naman wala kayong crush" seryosong sabi ni Iza

"So, crush mo nga si Jhong?" tanong ni JM

"Shhhh, ano ba JM!" nahihiyang saway ni Iza sa kaibigan.

"Anne, Anne diba si..." sabi ko naman

"Don't tell me na si Vhong Navallo yan" Pabulong na sabi ni Anne

"Oo siya nga" Sabi naman ni JM

"Ay! Hala, itago nyo ako" Di mapakaling sabi ni Anne

"Hay nako bahala ka dyan" natatawang sabi ni Iza.

"Huy JM, nasa likod ko na ba? Sinong kasama nya" di mapakaling tanong ni Anne

Nagkatinginan naman kami ni JM habang natatawa.

"Aba tinawanan ka lang oh" Sabi ni Iza.

"Actually, kasama niya yung barkada niya" Sabi naman ni JM

'Couz, I Love You || ViceRylleWhere stories live. Discover now