// unang tula

17 2 10
                                    

hawak mo sa iyong kamay ang kalayaan
at sa ating maduming mundong ginagalawan,
hindi mo alam kung kailan ito mananakaw
dahil ang mga salarin ay mabilis pa sa pagiging abo ng bulalakaw
may ideya ka ba kung sino-sino ito?
nandyan lang sila't pumaparoon at pumaparito;
ang mga mapaghusgang mata,
ang mga matatabil na dila,
ang mga makikitid na utak...
ng mga taong puputol sa iyong pakpak
nais nilang hatakin ka pababa
upang makasama nilang lugmok sa lupa
dahil hindi nila nais ang pagpapakatotoo mo
hindi sila titigil hangga't ikaw ay matalo
at pakatandaan na 'di sila lalaban sayo ng patas
sila'y sasalisi para mailagay ka sa likod ng rehas
sabay igapos sa mga di makatarungan nilang pamantayan
para lamang bumagay sa bulok na sistema ng lipunan
ikulong kasama ng kanilang maling paniniwala
para lang masabing tanggap at nabibilang ka
kaya't maging matatag at panghawakan mong mabuti ang iyong kalayaan
o makulong sa kanilang piitan

Patapong LiteraturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon