2. THE BEGINNING
CEHLSSY'S POV
*birds chirping*
Nagising ako sa huni ng mga ibon na pinapalibutan ang bintana ng aking silid.
Napangiti nalang ako sa kalikutan nila at bumangon na upang magdasal.
"Mahabaging Ama,
Salamat sa bagong umaga na iyong ipinagkaloob sa akin.
Amen."
Inayos ko muna ang aking higaan bago tumungo sa banyo upang maligo. Pagkatapos ay lumabas na ako sa aking silid at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig.
Nadatnan ko si mama na nagluluto ng agahan namin. Amoy na amoy ko na dito palang sa bukana ng kusina ang nakakatakam na luto ni mama.
Patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap sya mula sa likuran.
"Magandang umaga mama! Ano po 'yang niluluto ninyo? " masayang sabi ko at humalik sa kanyang kaliwang pisnge.
"Magandang umaga din bunso! Syempre niluto ko yung paborito ng mag-ama ko. " nakangiting tugon ni mama at kumindat pa.
"Talaga po!? Hehe, ang kyut mo pong kumindat mama. " tuwang-tuwang puri ko kay mama at tanawa naman siya ng bahagya.
"Ikaw talaga! Oh sya tawagin mo na ang iyong papa upang tayo'y makakain na. "
Nakangiti akong tumango kay mama at kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Agad akong nagtungo sa aming maliit na green house dahil alam kong doon ko matatagpuan si papa. Napakahilig kasi ni papa sa mga halaman.
Napakapaya at malaparaiso ang dating ng aming green house dahil sa buong pusong pag-aalaga ni papa dito. Kadalasan din ay ito na ang aming katuwaan at libangan.
Nakita ko si papang nagbubunot ng damo at may dalang dulos.Sa gilid nya ay may maliit na palayok na may laman na buto ng halaman. Nakatuon lang ang atensyon nya roon kaya 'di nya namalayan ang pagpasok ko.
Narinig ko pang malungkot nyang kinakausap ang mga damo habang isa-isang binubunot iyon.
"Pasensya na kayo ha kung pagkakaitan ko kayo ng buhay. Kailangan ko kasi itong gawin upang maitanim itong dala kong mga buto. " malungkot nyang wika. Ganyan talaga si papa. Mahal na mahal nya ang mga halaman may pakinabang man ito o wala. Ganito naman talaga ang buhay di ba? Kahit anong pilit mong 'wag makasakit ng iba, may masasaktan at masasaktan ka talaga. Kailangan lang nating tanggapin ang katotohanang gumawa man tayo ng kabutihan hindi maiiwasang may pasakit din itong dala.
BINABASA MO ANG
ARCANA: Arise from Light and Darkness
FantasyLight within Darkness! Darkness within Light! One Name... Two Identity The INNOCENT.......The WILD fragile as mirror...strong as stone 'PRECIOUS AS DIAMOND' I am SHE... She is me... Who do you wanted to be? Isang babaeng namulat sa kadiliman...