3. THE FORBIDDEN WOODSSAITHANIA'S POV
Napapahikab akong naglakad sa hallway. Tss. Bakit pa kasi naimbento 'tong welcome intro na 'to.
Napahinto ako ng biglang may tumawag sa akin mula sa likod.
"Saith! Ang aga mo naman." biglang sigaw ni Erixh at sumabay sa akin maglakad.
Tinugunan ko naman sya ng walang kwentang tingin at humikab ulit.
Gamit ang peripheral vision ko ay nakita ko s'yang ngumuso saka unti-unti 'yong napalitan ng pagkawalang gana.
Wala ng nagsalita ni isa sa amin hanggang sa pumasok kami sa loob ng Preparation Room o mas kilalang PreRoom.
Naabutan naming busy ang lahat para sa pagbubukas ng nasabing paaralan. Nilibot kong tignan ang paligid pero ang sakit sa mata. Napakagulo ng lahat.
"Oi! San ka pupunta? Baka magsimula na!" sabi sa akin ni Erixh.
Nagtataingang kawali ko s'yang nilagpasan at pumunta sa kung saan.
Napadpad ako sa kakahuyan malapit sa paaralang ito. This is the forbidden woods puno ng halimaw at nakakamatay na halaman. Tinatawag din itong Tophet Forest, dahil ang pumapasok dito ay hindi na nakakabalik pa kaya tinuring itong katakot-takot at sumpa.
Nakita ko ang nagbabantay sa bungad ng kagubatan. Sinisiguro kasi nila na walang makakapasok na mga yllein dito at kung papasok man ay dapat na mayroong pahintulot sa nakatataas.
Diritso ang matang lumakad ako patungo sa nagbabantay at itinaas ang kanang kamay ko, kumunot ang kanyang noo kaya ipinakita ko sa kanya ang aking singsing.
Naalarma siya at mabilis nya akong pinapasok sa loob. I grin in delight, how foolish.
Akala siguro niya ay may iniutos sa akin si Master dahil sa singsing na pinakita ko. Sa katunayan, ang singsing na ito ang palatandaan na kanang kamay o pinagkakatiwalaan kami ng nakatataas kung kaya't ang dali kong makapasok dito.
Imihip ang napakalakas na hangin na naging dahilan ng pagkahulog ng mga sanga ng mga puno. Kung titignan mo ito ay masasabi talagang kasumpa-sumpa. Napapalibutan ng mga patay na punongkahoy, ang mga tuyong dahon na nagsisilbing kumot ng lupa ay talagang tumutunog sa twing natatapakan. Nagpatuloy ako sa paglalakad.
Napakatahimik ng lugar, para itong natutulog na gubat at tanging ang ingay galing sa tuyong dahon na aking natatapakan lamang ang gumagambala sa mahimbing nitong pagtulog.
Pangalawang beses ko ng pumunta dito ngunit nong una ay hanggang bungad lang ako kasi kasama ko nuon ang CARD at Master kaya limitado lamang ang galaw ko.
Sampung menuto na akong naglalakad ngunit wala naman akong nakikitang halimaw na pwedeng paglaruan.
Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. I feel something's fishy here and I can't wait to uncast its mystery.
Hanggang sa may kaluskos akong naririnig, palakas ng palakas ito habang palapit ako ng palapit. I guess I'm on my way to the middle part of this cursed woods.
Napakalapit ko na sa tumutunog ng bigla nalang itong huminto. Huminto rin ako at nilibot ang tingin.
Nakikiramdam...
Nagmamasid...
Naghahanap sila ng tyempo.
BINABASA MO ANG
ARCANA: Arise from Light and Darkness
FantasyLight within Darkness! Darkness within Light! One Name... Two Identity The INNOCENT.......The WILD fragile as mirror...strong as stone 'PRECIOUS AS DIAMOND' I am SHE... She is me... Who do you wanted to be? Isang babaeng namulat sa kadiliman...