Virus #2

11 2 4
                                        

Day 3

8:45 p.m

NAIA Terminal

Sgt. Richard POV

Hmm, nawalan ata ako ng malay. "Aray." napagalaw ako ng wala sa oras dahil sa sakit ng aking buong katawan. Nangapa ako sa aking paligid dahil wala akong makita kundi puro dilim lamang.

Sinubukan kong umalis sa pwesto ko ngunit may narinig akong ungol mula sa infected na human.

"Arrggh" napatigil ako sa pagkilos ng maramdaman kong may umapak sa mga pader na dumagan sakin.

"Puta." mahina kong mura dahil sa sakit.

Biglang tumigil ang infected at tila parang 'di ko na alam kung nasaan na iyon. Naghanap ako ng butas na pwedeng silipan upang icheck ang labas. May nahanap akong butas na kasing laki ng kamao ko, pasilip na ako sa butas ng,

"Arrggh!" biglang silip ng infected sa butas dahilan para mapaatras ako ng kaunti at gumalaw upang kumawala.

Nilusot ng zombie ang kanyang kanang kamay sa butas at pilit akong inaabot. Tuwing mahahawakan ako agad kong itong inaalis para hindi masugatan at mahawa sa sakit.

Sinubukan kong maghanap sa suit konang kahit anong weapon na magagamit pamatay sa peste na ito.

"Yes." bulong ko nang may makapa akong dagger. Hinawakan ko agad ang kamay ng zombie at pinutol ito.

"Arggh!" malakas na ungol muli ng zombie dahil sa ginawa ko.

Agad 'kong tinulak ang nasa ibabaw kong pader upang maka-alis ako. Nahirapan ako nung una pero nagawa ko. Nung tuluyan na akong nakatayo, napagala ang aking paningin sa buong lugar.

"Shit." bakit nagka-ganito ito? puro wasak na pader at tila nabombahan ng napakalakas, puro abo at tila dina rin makilala, parang napalumaan na ang lugar. Kung tutuusin nung pagtungtong ng Team ko dito buo pa itong NAIA Terminal at napuno lang ng mga normal na taong takot na takot dahil sa mga nakagat at mga infected na humans. Ngayon, napamahayaan na ng mga infected..

Agad akong napatingin sa kaninang infected na gusto akong kunin at kainin. Palapit na siya sa'kin ng bigla kong hinawakan ang kaliwa niyang kamay at inilapit ko siya sakin sabay tusok sa tuktok ng kanyang ulo. Agad siyang bumagsak sa lupa.

Naglakad na ako at naghanap ng baril na pwedeng magamit. may nakita akong isang silent pistol at AK Riffle, chineck ko ang magazine at mukhang kumpleto pa at dipa naipuputok.

Tinignan ko ang aking relo at nakita kong 9:05 pm Wednesday means Day 3 na. So it means na dalawang araw akong walang malay, aba great.

Umalis na ako sa pwesto ko upang makaalis sa lugar na ito. Padahan-dahan na lakad at patago-tago, pag may nakakasalubong o may nakikita akong infected, agad kong itong pinapatay. Malapit na sana ako sa Front Entrance ng terminal ng biglang may tumutok sa tagiliran ko nang kutsilyo.

"Sino ka?" bulong niya sakin na may malalim na boses.

"Bakit ikaw, sino ka ba?" pagbabalik ko nang tanong sakanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tag Alone (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon