Virus #1

14 2 5
                                        

Day 2:

9:00 a.m

Romano City

Mark POV

"Shit Paul!" hinampas ko ang ulo ng isang zombie gamit ang hawak kong baseball bat.

"Bakit Mark?" sinipa niya ang dib-dib ng isang Infected at tinaga niya ng itak ang ulo ng pasugod sakanya.

"Buhay pa kaya sila Ken at Joseph?" tanong ko nang napugutan ko nang ulo ang isa.

"Malamang, Day 2 palang kaya ngayon. Alam mo namang sanay yun dahil sa kakalaro ng ganitong genre, tulad ng nangyayari satin ngayon." sagot ni Paul sabay hampas sa isang ulo ng zombie.

"Bullshit, kailangan natin silang hanapin," sinuntok ko ng dalawang beses ang bungo ng infected at sinaksak ang utak, "Pero kung hindi natin sila mahanap," hinampas ko ang tiyan ng zombie at pinalo ng magkabilaan ang ulo, "Ibig sabihin, patay na sila." sagot ko.

"Mukhang ganun na nga, pero hahanapin pa din natin sila." sang-ayon ni Paul, "Ikaw James, sama ka?" tanong niya naman kay James.

"Hmm, Okay." simpleng sagot nito pagkatapos paputukan ng silent pistol ang ulo ng zombie.

"Nice, umalis na tayo, baka mapaligiran pa tayo ng mga infected humans." utos ko sakanila.

Nandito kami ngayon sa gitna ng highway, tumakbo kami pasakay sa kotseng nakita lang namin kagabi sa garaheng nakabukas. Mukhang sinwerte naman kami dahil naiwan ang susi sa ibaba ng driver seat.

Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at agad na binuksan ang lock habang natakbo. Nang makalapit na kami, sumakay na kami sa loob at nilagay ko ang armas ko sa likod. Nilock naman namin ang pintuan. Katabi ko si James habang nasa likod namin si Paul. Binuksan kona ang makina at handa nang i-andar nang biglang napaligiran ng mga infected na humans ang labas ng kotseng sinasakyan namin.

"Shit Mark! paandarin mo na!" sigaw sakin ni Paul.

"Can you please just wait!? ginagawa ko na, ayaw umandar." taranta kong sagot.

"I-atras abanti mo ang kotse!" utos sakin ni Paul.

"Okay okay! ito na!" sagot ko.

Ginawa ko ang sinabi ni Paul at hindi naman ako nagkamali, nagulungan ang mga nasa harap at likod na mga infected tila napalayo ang mga nasa gilid. pinaandar kona ang kotse palayo sa lugar hanggang di na  namin makita ang pinanggalingan namin.

"Hoo," pagpunas ng pawis ni James sa kanyang noo.

"Muntik na tayo, kinabahan ako dun pre." pinatong naman ni Paul ang kanyang ulo sa sandalan.

"Shit, kala ko matatrap na tayo." sagot ko.

"Bakit ba kasi ngayon pa, hindi ko tuloy napaghandaan na mangyayari ito." inis na sabi ni Paul.

"And where the hell is this kind of virus start?" mahinahong tanong ni James.

"Alam na, tulad nang mga nasa laro at movies. For sure galing ito sa mga siraulong mga scientist at pinakialaman ng mga bobong mamamayan." gago talagang ito si Paul.

"Hindi naman tayo sigurado kung yun ang dahilan. Malay mo, dahil sa radiation." sagot ko.

"Radiation? ng Cellphone?" pambabara ni Paul.

"Hahahaha" putang inang James ito, tinawanan ako.

"Anong nakakatawa!? totoo naman ah! malay niyo naman ganun ang nangyari." depensa ko.

Tag Alone (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon