Joseph POV"Ken! Rotate!" pag hindi ko sinabi ito sa kalaro ko baka mapaligiran kami ng kalaban dito sa laro.
"Gagi! Pag nag-rotate tayo baka isa-isa tayong mabaril! Ulol ito, gamitin mo utak mo!" sagot ni Ken na halatang gigil sa keyboard.
"Puta ka! wala na tayong magagawa! wala tayong strategy na pwedeng gamitin dito! gawin nalang ito!" tutok na tingin ko sa screen ng computer, nag-iisip pa ng ibang strategy habang nakikipagbarilan sa laro.
"Ah shit! Bro may medic kit ka!?"
Sigaw sakin ni Ken."Gago, wala na pre, ubos na. Bakit, tinamaan ka?"
"Malamang gago kaya nga nagtatanong diba" puta siga talaga, "Putangina! namatay ako! ikaw na bahala diyan Josh!"
"Puta ka, pakasiga tas' na easy death kalang." sisi ko habang nakikipagbarilan parin.
"Bobo mo." nakatingin siya sa screen ng Computer habang pinapanood akong mag-laro sa spectate.
Nung nag-half life ako, agad akong nagtago sa likod ng puno habang pinupuno ang life span ko. Shit, pag natalo ako dito, siguradong ubos ang Isang Daan ko dahil sa pusta.
"Oh ano pre? Surrender na kasi, hahaha." rinig kong sabi sakin ni Mark sa kabilang linya ng Com Shop.
"Bobo mo, uso mangarap, wag lang mataas."
Nung nasigurado kong puno na life span ko, agad akong naghagis ng flash grenade sa pwesto ng kalaban dahilan para mawalan ng saglit sa ayos ang kalaban.
"Shit." rinig kong mura ni Mark sa kabila.
"Galingan mo Josh, sakal ka sakin pag naipusta ko itong Isang Daan ko." bulong sakin ni Ken.
"Oo na. Just watch and learn." sabi ko sakanya.
Kinuha ko ang pistol ko dahil ubos na ang bala ng Rifle gun. Itinutok ko sa ulo ng kalabn isa-isa ang pistol at pinaputok ng sunod-sunod. Pagkatapos kong iputok, lumapit ako sa tatlong kalaban at sinaksak ng paisa-isa. Sa huli, nanalo kami.
"Whooo!" sigaw ni Ken nang manalo kami, "Shem! may extra points tayo sa game at may tig 150 pesos tayo!" masaya niyang sagot.
"Hahaha! sabi ko naman sa'yo eh. Mananalo tayo." mayabang kong sagot.
"Hambog ang pota." sabi sakin ni Ken.
Tumingin ako sa kanan at nakita ko si Mark kasama sila Paul at James.
"Pakshit ka bro! hahaha. Natalo mo na naman kami, kailan kaya kami mananalo?" takang tanong niya.
"Ulol! hahahaha, mananalo lang kayo pag-patay na ako!" yabang ko, tss.
"Gagu hahaha, hayaan mo mananalo din kami. Not now, but soon." biro niya dahilan matawa kaming lahat.
"Oy, yung pusta?" singit ni Ken.
"Oh ito tatlong daan, walang kulang, walang labis, hahaha." pagka-abot ni Mark kay Ken.
"Yown!" tuwang sagot ni Ken, "May pang-date na ako mamaya sa girlfriend ko."
"Puta ka, akin na hati ko. Ako nagpanalo ulol." mura ko kay Ken.
Ibinigay naman sakin ni Ken ang kalahati at tuluyan nang umalis ang gago. Nagpaalam lang ako kila Mark at umalis na rin sa computer shop.
Naglalakad ako sa gitna ng kalsada ng makita ko ang mga taong nagsisitakbo papunta sa pwesto ko galing sa kaliwang street.
Hindi ko alam pero mga takot na takot sila, hanggang sa naabutan nila ako at nababangga na nila ako. Nakita ko si Ken na agad na hinawakan ang braso ko sa kanan.

BINABASA MO ANG
Tag Alone (On-going)
Horor🏆#154 On Ranking In Horror! And #64 in Zombie! Hi, I'm Joseph Garcia. And here is my Story of 'AFTERMATH' Mahilig ako sa mga videogames, lalo na sa computer, mobile phone, play station at xbox. Hindi mapagkakaila sakin na alam ko na ang Zombie Apoc...