I close my eyes and feel the darkness.
Before I doze off, the vivid memory from that day finally appeared in my mind's eye.
***
"Freya! Happy happy 18th Birthday..."
Sinusuklay ko ang aking makapal na buhok habang pinapanood ang isa sa mga kaibigan ng aking kaklaseng si Freya na nagbibigay ng birthday message. Isa ako sa mga nakalinyang 18 Candles sa gitna.
I was still staring at the girl at the center stage while holding a pink candle. Simple lang yung handaan. Freya said she only wants to celebrate here in her house. Sa may garahe nila mismo naganap ang program.
Their garage was covered with pink and white themed design. Nakadikit ang mga balloons sa ceiling. Literal na nagkakadikit ang mga pink and white balloons sa isa't isa like solid molecules. Each half-meter strings hanging at the bottom of each balloons comprises of two pictures of Freya. The unpainted walls were also covered with white and pink satin curtains. At the center stage nakabalandra yung malaking tarpaulin ni Freya na may nakasulat na 'Freya in her decade and eight'.
The garage was quite big enough para sa mga bisita. May mahinang background music pero maririnig ko pa rin ang ingay at tawanan ng mga tao.
I adjusted my position sa pagtayo dahil parang nangangalay na ako. Hindi ko na namalayan na natapos na pala ang speech ng babae. May pumalit na agad sa pwesto niya sa gitna.
I sigh. "Ang tagal pa natin," sabi ni Jenna sa akin. "Yea, ika-ten pa ko eh. Pro okay na yun. May speech kana ba?" Tanong ko sa kanya.
"Naku, wala nga eh. Ano bang sasabihin ko para sa kanya?"
"Loka. Basta kung ano napasok sa isip at puso mo para kay Freya yun na yun. Di mo naman kailangan mag-Ingles," mahina akong tumatawa habang tiningnan ang maliit kong kaibigan.
"Sige. Bahala na. Importante mabubusog ako sa handaan nila. Charot lang!"
"Hay. Sana makakita na ako ng bagong crush," singit ni LeAnne samin.
"Lah. Akala ko may lalaki kana, LeAnn." Tumaas ang kaliwang kilay ko habang nagbibiro si Jenna kay LeAnn.
LeAnn just rolled her eyes and said, "Sus. Wala akong lalaki no."
"Weh? Eh si Jester, ano mo yun? Diba nanliligaw yun sa'yo or should I say ka M.U. mo na?" I ask.
"Naku. Wala yun, no? Ano ba kayo? Oh. Malapit na pala tayo magspeech oh." Pag-iiba ni LeAnn sa usapan.
"Naku, LeAnn. Wag mong ibahin yung usapan, loka ka. Wag ka nang humanap ng fafi dahil may fafi kana. Langya. Kami lang Megan maghahanap. Hindi ba, Megan?" Dada ni Jenna at hinawakan ang braso ko.
Napahalakhak ako. "Ano ba kayo? Ang iingay niyong dalawa! Bantayan natin baka tayo na yung susunod."
"Isa pa to oh. Ano loyal ka kay Alex ha? Akala ko magmomove-on kana? Pwe! Crush mo lang yun oh!" Sabi ni Leanne sakin habang nilalaro ang kandila.
Nang marinig ko ang pangalan ni Alex, muntik na akong mangisay sa kilig pero buti nalang dahil pinigilan ko. Tumikhim ako at inayos ang pagkatayo.
"Buang. Nakamove on na ako. At isa pa, famous yun. Impossibleng mapapansin niya ako." Mahina kong sabi.
"Weh? Di nga? Eh, patay na patay ka nga sa kanya eh. Diba? Isang taon mo na siyang crush. Naku, Megan! Wag mo nga akong pagdaanan sa deny-deny mong yan. Basa na kita. I know you how your eyes sparkled when I mention his name. Kaya Wag ako," LeAnne smirk.
Napahalakhak si Jenna at ako tuluyan nang namula sa hiya. Feel ko para na akong kamatis. Damn, LeAnne and her loud mouth.
"Stop it, LeAnne. Don't make a scene here. Nakakahiya," giit ko.
"Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko ah!" Malakas na sabi ni LeAnne kaya napabaling ang ibang bisita sa aming direksyon.
Binatukan ko na nang tuluyan ang maingay kong kaibigan. Tuluyang tumatawa si Jenna sa ginawa ko.
"Aray naman!" Reklamo ni LeAnne habang hinihimas niya ang kaniyang ulo.
"Isa pang sambit sa pangalan niya, susunugin ko yung kilay mong manipis," biro ko nang itinutok ko yung kandila sa mukha niya.
Natatawa ako dahil sa kaniyang kilay na sobrang manipis. Ilang hibla lang kasi ng buhok ang tumutubo sa kilay niya eh.
"Maawa ka naman kay LeAnne, Megan. Wala na yang kilay, uubusin mo pa."
Tumatawa na rin si LeAnne sa biro at napasali na rin ako sa kanilang tawanan.
Habang nagkukulitan kami, hindi namin na namalayan ang oras at kami naman yung sumusunod.
Unang umakyat si Leanne at pagkatapos si Jenna. Nang niyakap na ni Jenna si Freya ay iyon na ang hudyat ko na ako na ang susunod na magbibigay ng speech.
Namamawis ako habang paakyat na ako sa stage. Sanay naman akong magsalita sa harap ng maraming tao dahil napasali na ako sa iba't ibang patimpalak pero andun pa rin yung kaba sa dibdib.
Hawak-hawak ko na yung Mic at hawak ko pa rin ang kandila. Nag-umpisa na akong magbigay ng speech sa kanya. Ang ganda talaga ng kaibigan ko.
"Freya, first of all, salamat sa pag-imbita sa amin..."
Inibot ko ang mata sa maraming bisita. Halos nakasuot sila ng white o di kaya pink.
"... pwede na siguro kami uuwi dahil na-miss ko na yung parents ko so i-take out ko nalang yung handa niyo..."
Tumatawa na ang mga bisita sa mga sinabi ko. Nag-pout ang debutante at masama akong tinignan.
"Dejoke lang. Eto na... thank you! Thank you so much dahil nakilala kita. Thank you sa lahat. Thank you dahil nakilala ko ang isang tulad mo. You're sweet and generous pero minsan may katok. Pakatandaan mo na andito Lang ako para sayo. Wish ko para sa bday mo is ipagpatuloy mo yang mabuting gawa mo at sundin mo yung mga pangarap mo..."
Tinapunan ko na naman ng tingin ang mga mukha ng bisita.
"...Alam kong may rason si God kung bakit kita nakilala..."
Kumunuot ang noo ko nang may pumukaw sa aking atensyon. Binalingan ko ulit ang aking napakagandang kaibigan.
I smiled at her and said, "Happy 18th Birthday, Freya. May God shower you and your family with wonderful things. Lablab." Lumapit ako sa kanya at niyakap. Pagkatapos ko siyang yakapin ay hinalikan ko ang kaniyang pisngi as a sign of my love and care for her.
Nang pumanaog ako sa stage ay may nagdaan muli sa mata ko. A glimpse of a checkered-green polo screams in a sea of people who wore in pinks and whites.
Something tells me to look at it.
Kahit nakita ko na yun, umiling ako at ipinagsawalang bahala nalang ang polo na iyon.
BINABASA MO ANG
Sixth Day Of May
Teen FictionHow will I moved if the memories from behind still followed me around?