Chapter 1

25 3 2
                                    

Chapter 1

"You may now kiss the bride." sabi ng pari samin.

Oo, kasal na kami ng bias ko. Oh ano, inggit kayo? Hahahaha joke lang. So ayun, kiss the bride daw. Ayan naaa, iki-kiss na ako ni Park Jimin my love so sweet honey pie baby babe. Tama na, ang haba baka di matuloy ang pag-kiss sakin ng baby ko hihi. Ayan na yung lips niya, omg omg omg! Yung ovary ko baka sumabog!!! Bawal ka sumabog, baka di kami magkaanak. Omg eto naaaa!

"Hoy Angge! Bumangon ka na! Nananaginip ka na naman!" sigaw ng nanay ko sabay bato sa akin ng unan ko.

Pikit ako pero alam ko ginagawa ng nanay ko, oh diba?

Napabalikwas ako ng biglang tumama sa nguso ko yung unan.

"Aray nay! Ang aga aga pa eh!" sabi ko sabay pout.

"Anong maaga? Tumingin ka kaya sa orasan." sigaw ni nanay sabay bigay sa akin ng wall clock.

Wow taray! Abot ni inay yung wall clock, charing lang. Buti hindi niya nababasa ang mga thoughts ko kasi baka matagal na akong wala sa Earth at mababawasan na ng diyosa, sayang. Pang Ms. Universe kaya ako pero syempre joke ulit. Oh diba joker ako? Makapag-clown na lang kaya?

"Oh eh nay, 10am pa lang naman pala eh." sabi ko sabay higa ulit kaya lang bago pa lumapat yung cute kong pisngi sa unan, nahila na ng nanay ko yung tenga ko.

"Araaaay!" reklamo ko.

"Aba, tutulog ka pa! Akala ko ba may pasok ka?" sigaw ulit ni inay.

Kanina pa sigaw ng sigaw ang aking mother Earth. Infairness, di siya napapagod ha?

"Ako? May pasok? Anong date ba ngayon?" tanong ko ng tinutulak ako ni nanay papunta ng banyo.

"August 23, Martes po, madam." sabi niya.

"Whuuuuuuut?! Naaaay! Bakit di mo ako ginising? Omg! 8 ang pasok ko!" nagpapanic kong sabi sabay diretso sa shower room.

Pero syempre joke ulit, wala kaming shower room. De timba lang kami. Pag pinakasalan na ako ni Jimin tsaka kami magkakaroon ng shower room.

"Eh kanina pa kita ginigising may panguso-nguso ka pa dyan!" sigaw ulit ni inay.

Aba naman talaga! Walang kapaguran ang lungs ni mother.

"Nay, tama naaa! Naliligo na nga ako eh." sigaw ko pabalik.

After 1 minute, joke ulit. After di ko alam kung ilang minutes, ayun tapos na ako maligo. Tas nagbihis na rin ako ng uniform. Habang tinitignan ko sa salamin yung maganda kong mukha, wala tinitignan ko lang.

"Hays, ang ganda ganda mo talaga Angge. Kaya ka mahal na mahal ni Jimin eh." sabi ko sa sarili ko habang nakangiti.

"Hoy, ang kapal ng mukha mo!" sigaw ng panget kong kuya sa labas ng kwarto ko.

Ay malakas pala ang boses ko. Mag-announcer kaya ako sa basketball? O kaya mag-barker? Dejoke, mag-aartista ako. Asawa ako ni Jimin eh.

"Aba Angge! Tama na yan, mababasag na ang salamin!" sigaw ulit syempre ng super mother ko.

Ay oo nga, papasok pala ako. So ayun, bumaba ako sa hagdan namin. 4 steps lang naman ang hagdan namin, bumaba ako sa hagdan ng slowmo tas may mga sparkle sparkle sa likod ko ng biglang tinulak ako ng magaling kong kuya.

"Akala mo naman ang haba ng hagdan natin. Ano debut mo?" sabi niya sakin sabay irap.

"Ewan ko sa'yo, bakla ka! Papa, si kuya oh!" sigaw ko sa kanya sabay takbo kay papa.

"Aynako kayong mga bata kayo. Kumain ka na Angge at late ka na." sabi ni papa.

"Ay oo nga pala." sabi ko kaya ayun, umupo na ako sa tabi ni papa at kumain ng sandamakmak na pandesal with cheese. Joke, tatlo lang.

"Oh baon mo." sabi ni mama sabay patong ng baon ko.

"Thanks mommy!" sigaw ko sabay kiss sa cheek niya.

Nang makalabas na ako ng bahay namin, sumakay ako ng tricycle papunta sa school.

"San tayo ne?" tanong ni manong driver

"Dyan po sa school." sagot ko.

"Saang school?" tanong ulit ni manong.

"Dyan nga po sa school." sagot ko ulit.

Nayayamot na ako kay manong ha? Very makulit.

"Aba neng, ang dami kayang school dito." sabi ni manong.

"Ay diyan po sa LSU" sagot ko ng hiyang-hiya.

So ako pa pala ang shunga? Madami pa lang school dito, bat ngayon ko lang nalaman?

A Fangirl's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon