Chapter 3
Nagising ako ng mga bandang alas tres ng madaling araw para kumain sana kasi bigla akong nagutom, kaya ayun bumaba ako at laking gulat ko ng makita ko si kuya na umiiyak habang nag-iimpake.
"Kuya! Anong nangyayari?" tanong ko sa kanya at dumiretso ako sa tabi ni kuya para yakapin siya.
"D-dinala sa hospital si papa." sabi ni kuya habang umiiyak.
Hanooooooo?! Bakit? Nagsimula na akong kabahan.
"Bakit? Anong nangyari? Eh bat nandito ka?" sunod sunod kong tanong kay kuya.
"Kukuha ako ng damit nila ni mama. Sabi ni mama wag ka ng sumama, may pasok ka kasi mamaya. Pumunta ka na lang dun mamaya." Sabi ni kuya habang nag-iimpake.
"Sasama ako, kuya. Hintayin mo ako. Isang subject lang naman yung pasok ko mamaya. Hintayin mo ako." Sabi ko kay kuya at dali-dali akong pumasok sa kwarto ko para magpalit ng damit at kumuha ng gamit.
Pagkatapos namin mag-impake, umalis na kami ni kuya at dumiretso sa hospital. Habang nasa tricycle kami ni kuya, yumuko ako para mag-pray. Lord, ingatan Niyo po yung papa ko. Wag niyo po siyang pababayaan.
Nakarating kami ni kuya sa hospital ng saktong alas kwatro at pumunta agad kami kung nasan sila mama.
"Mama!" agad akong tumakbo kay mama na nakaupo sa tabi ni papa. Yinakap ko agad si mama.
"Ma, kamusta na po si papa?" tanong ko at inayos ko yung kumot ni papa. Natutulog ngayon si papa. Haaays. Sana gumaling na ang tatay ko.
"Okay na. Sinumpong na naman ng ulcer kanina ang papa mo. Tigas kasi ng ulo, sinabi ko ng kumain sa tamang oras." Sagot ni mama at kitang-kita sa mata niya na nag-aalala talaga siya kay papa.
"Gagaling na si papa mamaya pagkagising niya." Sagot ko habang nakangiti kay mama.
"Bat nandito ka nga pala? Sabi ko sa kuya wag ka ng isama at may pasok ka mamaya." Sabi ni mama sabay tingin kay kuya.
Napatawa ako.
"Ginising ako ni kuya kanina. Alam mo ba ma, mas malakas pang umiyak si kuya kaysa sa atin." Pang-aasar ko kay kuya.
"Hoy hindi ah!" depensa ni kuya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ikaw ata ang babae satin eh!" pang-aasar ko ulit.
"HOY ANG KAPAL MO! TOMBOY KA KASI!" sabi ni kuya sabay batok sakin.
"Aray! Mama si kuya oh! Bakla, nananakit ng babae." Sumbong ko kay mama while pouting.
"Ikaw lang ang sinasaktan ko. Tomboy ka kasi." Pang-aasar ulit ni kuya.
Aba't! Ang ganda ko namang tomboy!
"Tama na 'yan, mamaya magising ang papa niyo eh. Yari kayo diyan. O siya, matulog ka ulit Angge. Umuwi ka mamaya tapos pumasok ka." Sabi ni mama at ako ang pinaupo niya sa couch.
"Huwag na ma! Ikaw na lang ang matulog!" sabi ko at pinaupo ko ulit si mama.
"Oo nga ma. Hayaan mo na yan. Gurang na iyan." Pang-aasar ulit ni kuya.
"Kung gurang ako, ano ka pa?" pang-aasar ko din sa kanya na ikinatahimik niya kaya inirapan niya na lang ako. Wala palang palag sakin si kuya eh HAHAHAHAHAHAHA.
So ayun, natulog muna ako sa upuan para kahit papano eh di ako magmukhang zombie sa school.
Nagising ako ng may tumatapik sa pisngi ko, minulat ko ang mata ko. Si mama pala.
"Umuwi ka muna sa buhay at pumasok ka." Sabi ni mama at binigyan ako ng pera.
"Sige po ma, thank you po." Sabi ko at humalik sa pisngi ni mama bago ako umalis
After 123456 years, nakarating na ako sa school.
"Angel!" tawag sakin nung kaklase kong si JM.
"Uy bakit?" tanong ko at ngumiti sa kanya.
"May nagpapabigay sa'yo." Sabi niya sabay abot sakin ng isang sobre na kulay pink na may kasamang toblerone at Cadbury.
So kinuha ko yung binibigay niya kahit na naguguluhan ako kung kanino galing 'tong mga hawak ko.
"Okay? Kanino galing 'tong mga 'to?" tanong ko ulit habang binubuksan yung sobre at kinuha ko yung card sa loob.
"Hindi ko pwedeng sabihin eh. Pero ang swerte mo. Huwag kang mag-alala, magkakilala naman kayo. Tsaka halata ko gustong-gusto ka niya." Sabi niya at ngumiti.
"Salamat." Sabi ko at binasa yung letter.
Pagtingin ko sa papel, hala! Na-shy naman yung handwriting ko. Lalake ba nagsulat nito? O baka nagpasulat lang? O baka—babae may gusto sakin? Dejoke. So ayun, binasa ko na yung nakasulat.
"Hi Angel!
Magsisimula na akong manligaw sa'yo ha? Kahit humindi ka man hindi mo ako mapipigilan. Matagal na kasi kitang gusto, pero sa ngayon di muna ako magpapakilala sa'yo. Pero huwag kang mag-alala, mabait ako at kilala mo ako. Sorry kung dinadaan ko sa ganto, wala pa kasi akong lakas ng loob na umamin sa'yo sa personal. Nahihiya kasi ako tsaka ang alam ko fan ka ng KPOP lalong-lalo na ng BTS at baka hindi mo talaga ako magustuhan kasi di nila ako ka-level. Tsaka mas gwapo talaga si Jimin kumpara sakin. Hehe, nag-search kasi ako about sa kanila. Huwag kang mag-alala, susuportahan pa kita sa pagiging fangirl mo. Smile ka lagi ha? J"
Hala, ewan ko ba pero napangiti ako after kong mabasa yung letter na binigay sa akin. Nakakatuwa naman, it's my first time na makatanggap ng ganto. Ang cute lang kasi bet ko yung ganto, yung old-fashioned. Kaya ayun, nilagay ko sa bag ko yung letter pati yung chocolates.
Dumating na si maam at nag-lesson. After ng lesson, dinismissed niya na kami kasi may meeting pa silang mga faculty kaya ayun happy happy na ulit kami kasi hayahay na ulit. Pero imbes na mag-stay ako sa room, umuwi na lang para matulog muna saglit at mabantayan ko si papa mamaya.
Nakarating ako sa bahay ng ligtas kaya ayun dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Jusko, antok na antok na ako pero bago ako matulog nanood muna ako ng mga performances ng mga boyfriend ko. Hihi, may bago kasi silang released na album at tuwang-tuwa ako nang yung Love Yourself: Tear yung naging No. 1 sa Billboard 200. Grabe umiyak talaga ako ng makita ko yung tweet na yun! As in! Solid BTS fangirl talaga ako. Sa sobrang pagiging fangirl ko minsan, inaaway na ako ng iba kong mga kaklase kesyo pangit daw sila, bakla at kung anu-ano pa na gusto nilang sabihin. Kaya nagpapantig talaga ang tenga ko tuwing nakakarinig ako ng mga ganyan.
Gwapo lang daw sila at magaganda tapos magkakamukha pa daw sila kasi mga retokado daw. Syempre hindi naman yung itsura nila yung ini-stan namin kundi yung talent nila tsaka kung pano nila napapasaya yung mga fans sa pamamagitan ng music nila! Pero yung itsura nila, bonus na lang yun hihi. Super love ko talaga sila.
So after ng fangirling session ko, napag-desisyunan ko ng matulog muna para pag-uwi nila mama ay may energy ako.
Waiting for you Anpanman
Waiting for you Anpanman 🎤
Kinuha ko yung phone ko sa side table ng bigla itong nag-ring. Himala ata na may tumatawag sakin ngayon. Pagtingin ko unregistered number. Hmmm, sino kaya 'to?
"Hello?" sabi ko pagkasagot ko ng tawag.
"Hi Angel." Sabi nung lalaki sa kabilang linya.
[a/n: busy kasi ako sorry! Hahahahaha!]
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Cry
FanficMeet Angel. Kagaya ng mga kabataan ngayon, kinain na ng KPOP ang sistema niya. Ultimate bias group niya ang BTS at si Jimin slash Park Jimin ang bias niya. Samahan niyo siya sa mga imaginations niya. Maaari kayang maging katotohanan ang mga "imagina...