Chapter 2
So after nga ng shunga moment ko sa tricycle, finally! Nakarating na rin ako sa school. As usual, walang bago malamang. Walang bago, cute pa din ako.
So ayun, nakarating na ako sa room at walang pumansin sakin. Kaluluwa na kasi ako. Namatay kasi ako sa teaser photos ng BTS lalo na si Jimin my loves so sweet.
Alam mo yung feeling na dati mukhang mochi lang siya tapos ngayon isang photoshoot na lang ng Calvin Klein, model na siya ng brief! Omgggg! Jimin is my forever hubby!! (-^〇^-)
Back to reality na naman ako, back to school. Nakakapagod mag-aral lalo na't scholar pa ako sa school. Mahirap lang kasi kami pero dahil witty ang anak ni mama, nakapasok ako hihi!
"Angeeeeel!" tawag sakin ni Clarisse, kaklase ko at beshy ko kasi KPOP fan din siya.
"Yes beshy? What can I do for you that you cannot do for me?" tanong ko sa kanya habang nakangiti.
"Malapit na ang concert ng BTS! Omg! Pupunta ba uuuuuu?!" tanong niya habang hinahampas ako.
At tuluyan na ngang nabago ang mood ko. Narinig ko na naman. Napabuntong hininga na lang ako kase alam kong hindi ako makakapunta. May ipon ako kaya lang baka kasi kailanganin namin lalo na't nagga-gamot si papa. Haaaaaays! Kahit man lang team labas o kaya ay team airport di ko magawa..
"Ah baka hindi. Maysakit kasi si papa, baka kailanganin namin yung naipon ko e. Kaysa naman mangutang pa si mama, yung pera ko na lang yung gagamitin." sagot ko na parang binagsakan ako ng langit.
"Hala, pautangin kita bet mo?" Tanong ni Clarisse.
"Huwag na Risse, baka hindi ko iyan mabayaran agad." sagot ko ulit. Totoo naman, maysakit kasi si papa kaya magulang ko muna bago BTS, siguro naman maiintindihan nila yun diba?
Ayy, di nga pala nila ako kilala :'<
Nabagsakan na ako ng tatlong langit at lupa. Haaaaaaays! Ano ba yan Angel?!
"Hala eh paano ka? Hindi na rin ako pupunta pag di ka pupunta." sabi ni Clarisse habang naka-pout.
"Ano ka ba Clarisse! Ayan na yung BTS oh, malapit na. May pera ka ng pambili ng ticket, sayang iyan. Hayaan mo na lang ako. For sure, makakapunta din ako sa concert nila. Baka nga sa Seoul pa ako makapunta diba? Kaya wag mong hayaan na masayang yang opportunity na 'yan. Minsan lang sa buhay natin mangyayari iyan, kaya go na! Kaya ko sarili ko." sabi ko sa kanya while flaunting my genuine smile.
Totoo naman kase, abot-kamay niya na yung pangarap niya. Pangarap ko din yun pero mas uunahin ko pa rin sila tatay kasi paano na pag ikakasal kami ni Jimin? Edi walang maghahatid sakin sa altar dibaaaa? Oh dibaaa? Di na nga ako makakapunta ng concert, malandi pa din ako.
Hahahahaha, anyways may livestreaming naman. Pero wala nga pala kaming internet, si kuya kasi ayaw pa magpakabit at ako lang daw uubos. Aba, atleast magagamit! Di ba siya nacucutan sakin? Pag-uwi ko nga later, papa-cute ulit ako kay kuya. Baka sakaling mapapayag ko na. *insert my evil laugh*
Pagkatapos ng walang kwentang araw ko na sinayang lang ng magaling kong teacher na hindi nagturo at forever niya na atang aayusin yung mga papel niya sa plastic envelope.
Tumawa nga mga kaklase ko nung inalok ko ng tulong si maam. Aba, nakakaawa naman kasi. Sa araw-araw na klase namin sa kanya, lagi niya na lang inaayos yung mga papeles niya.
Eh yun at yun lang din naman ang inaayos. Ano bang hanap niya? Baka makita ko, malinaw naman kasi mata ko.
So wag na nating intindihin si maam, naglalakad na ako palabas ng school ng bigla kong makita ang knight in shining armor slash prince charming ng buhay ko (bukod kay Jimin, asawa ko kasi si Chim) ngumiti si Neil sakin. Hihi, ang cute niya talaga pag ngumingiti. Haaaays, magso-sorry na naman ako kay Jimin mamaya napaka-unfaithful ko kasi. Y iz dat?!
So ayun, nginitian nga ako ni Neil slash prince charming ko so ngumiti din ako. Baka sabihin niya kasi famous ako tas snob kasi di ako namamansin, eh ako lang naman ang naghihintay na mapansin niya din ang cuteness ko. So back to reality tayo. (Ay walang tayo hahahahahaha)
"Uy, pauwi ka na?" tanong ni Neil sakin at sinabayan niya na ako sa paglakad.
"Ah oo." sagot ko naman. Jusko, ano sa tingin niya ang gagawin ko? Malamang, uuwi na ako. Palabas na nga ng school eh.
Duuuuh?! Neil, kung di lang kita crush nabatukan na kita ng tatlo.
"Ay hatid na kita sa inyo." sabi niya habang nakangiti at kinuha yung file case na dala ko.
Napangiti naman ako ng bongga sa ginawa niya pero siyempre yung pwet ko lang yung ngumiti kasi baka lalo siyang ma-fall pag ako ang ngumiti.
Ahihihi, ang landi mo Angel. Sasampalin ko nga sarili ko, baka panaginip lang 'to.
So medyo kinurot ko ng bahagya yung braso ko, aray masakit ha? So totoo nga itong nangyayari, omg is this really happening? Ito ba ang kapalit ng hindi ko pagpunta sa concert ng mga boys ko?
Always na ba akong di pupunta sa concert? Pero syempre, di pwede. Solid BTS wifey ako.
"Ah hala, wag na. Baka gabihin ka pa." sabi ko sa kanya with matching tucking my hair on my ear.
"Ano ka ba! Isang kanto lang pagitan ng bahay natin." sabi niya habang tumatawa.
"Ay oo nga pala." sabi ko, medyo tanga ako don pero okay lang cute naman ako.
So ayun, sumakay na kami ng tricycle pauwi. Baka makalibre pa ako ng pamasahe, tipid ng ten! Hahahaha!
Sana araw-araw niya akong sabayan, baka makaipon pa ako ng pang-concert. Bwahahahaha pero syempre hindi ko aabusuhin si Neil, mamaya mahalata niya. Tsaka kahit crush ko siya, may hiya pa naman ako ng kahit konti.
Pagkatapos ng one hour travel namin. Charot, 10 minutes lang. Nakauwi na ako sa amin at talagang bumaba pa si Neil sa amin. Hihi, kilig ako. Nag-hi pa siya kila mama.
"Hoy, ang landi mo ha! Bat ka hinatid ni Neil?" Tanong ng kuya kong mabaho habang kumakain siya ng alibaba with matching nakataas pa ang paa sa lamesa habang nanonood ng PBA.
"Masama? Friends kami bakit ba?" Pagtataray ko kay kuya sabay kuha ng isang balot ng alibaba sa tabi niya.
"Hoy, akin yan! Kaya ka nananaba eh!" Sigaw niya sabay agaw sakin ulit ng alibaba.
"Mama si kuya oh!" Sigaw ko ng pumasok si mama sa loob ng bahay.
"Nag-aaway na naman kayo. Angge, may cake dun sa ref. Yun na lang kainin mo." sabi ni mama sakin na nakapag-paningning ng eyes ko.
*o* hihihihihi. Ano kuya! Mas masarap yung kakainin ko! Bwahahahahaha!
At pagkasabi ni mama nun, dali-dali akong tumakbo sa kusina at kinuha na ang cake.
Mahirap na, barako kalaban ko.
[A/N: I know walang kwenta tong UD ko hahahahaahahaha!]
BINABASA MO ANG
A Fangirl's Cry
FanfictionMeet Angel. Kagaya ng mga kabataan ngayon, kinain na ng KPOP ang sistema niya. Ultimate bias group niya ang BTS at si Jimin slash Park Jimin ang bias niya. Samahan niyo siya sa mga imaginations niya. Maaari kayang maging katotohanan ang mga "imagina...