Chapter 1

80 8 10
                                    

"Thank you for waiting Ma'am, here's your order." sabi ko sa costumer habang inilalagay ang order nito sa kanyang table. Isa itong babae na mukhang nasa mid 20's pa lang but in reality, she's already fourty-six years old. She's Tazanna Divya, one of cafe's regular costumer, not to mention she is also a friend of mine.

"Oh, Alfia!" bati nito nang ako'y mamukhaan. "Di ba sa morning shift ka ng cafe naka-assign? Don't tell me nag over time ka kaya ka pa rin nandito?" tanong nito.

"Nope. Actually, nag request ako kay Manager June na ilipat ako sa afternoon shift para magkasunod lamang yung oras ng pagpasok ko sa panibago kong trabaho." sagot ko sa kanya.

"You have another job?" di makapaniwala nitong sabi. Tumungo naman ako bilang sagot. "Hanga rin ako sayo Alfia, may panibago ka na namang trabaho..." she paused when she took a sip of her coffee. "...I wish my son is like you." pagpatuloy nito tsaka tumawa. Ngumiti naman ako sa kanyang sinabi. She always tell me na sana tulad ako ng anak niya. Bukod dito, lagi niya ring kinekwento sakin ang kanyang anak. Yung mga pinagkakaabalahan nito, yung mga babaeng napapunta nito sa kanilang bahay, kung ilang beses na itong nagbasag ulo at marami pang iba.

Lagi ring pinapakita sakin ni Tazanna yung pictures ng anak niya pero ang mga larawang pinapakita niya sakin ay noong munting bata pa lang iyon. One time, tinanong ko siya kung bakit walang 'latest picture' ang anak niya at ang sagot niya, "He doesn't like taking pictures of himself and whenever I took a picture of him with my phone, kukunin niya ito at sisirain."

Kaya iyon, dinescribe niya na lang sakin yung itsura ng kanyang anak para kahit papaano daw eh malaman ko ang itsura nito. Kung tama ang pagkakatanda ko sa sinabi niya sakin, medyo may kaputian, matangkad, matangos ang ilong, pinkish ang labi at matikas iyon. For short gwapo raw, pero hindi naman ako naniniwala.

Bakit ba? Sabi nga nila, To see is to believe. Kaya naman, I'll believe it only, when I see it.

"So Alfia, alis na ako. I have something important to buy eh." pagpaalam nito sakin habang kinukuha ang kanyang shoulder bag. Tumayo na ito at tinapik ang braso ko.

"How about you? May mga bagong dumating na costumers, baka mahuli at mapagalitan ka na naman ng manager dito na nakikipagchikahan sakin." natatawa nitong saad sakin. Umiling naman ako sa kanya at sumagot.

"Hindi na po yan, tapos na ang shift ko eh. Sinadya ko lang po talaga na ako na lang ang maghatid ng order mo."

"Kung ganon, mauna na ako. Baka maubusan ako ng stock ng bibilhin ko eh." sabi nito at niyakap ako bago tuluyang lumabas ng cafe.

Nang makita kong medyo nakakalayo na ito, ay kinuha ko ang kanyang pinag-inuman at dinala iyon sa kitchen. Pagkatapos ay tumungo na ako sa staff room at hinanap si Hiether, ang kapalitan ko ng shift.

"Si Hiether ba? Kanina pang naka-on shift yon. Di mo ba napansin." sagot nung isa kong katrabaho. Pinasalamatan ko naman ito at kinuha ang bag ko sa locker. Pagkatapos ay umalis na ako sa cafe at tumungo sa susunod na lugar kung saan ako magtatrabaho.

After less than ten minutes, ay nakarating din ako sa convenience store. Walking distance lang naman ito sa cafe kaya mabilis akong nakarating roon. Pagkapasok ko sa loob, ay agad na bumungad sakin ang malamig na simoy ng hangin na inilalabas ng aircon. Katulad ng hangin na inilalabas ng aircon, ay bumungad din sakin ang ka-workmate kong si Ardell, na kasalukuyang nag-aayos ng pera sa counter. Binati ko naman ito at nginitian.

"Hello Ardell!"

"Oh, Hello Alfia!" bati nito pabalik. "Napaaga ka ata ngayon?" tanong niya habang inilalagay ang pera sa counter. Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya at tumingin sa relo ko.

My Fair Lady (On going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon