"Akala mo nakalimutan ko na yung ginawa mo kanina sakin?" panimula nito na ikinunot naman ng noo ko. Siya nga yung unang gumawa sakin ng hindi kaaya aya tapos siya ang magsasabi non. Dapat nga ako ang magsabi non dahil yung ginawa niya kanina sakin ang most unforgettable moment ko dahil siya lang naman yung unang lalaking gumawa nun sakin.
"Ano? Na-realize mo na ang ginawa mong pagkakamali?" tanong nito na lalong ikunakunot ng aking noo.
"Teka nga, anong na-realize yung ginawa kong pagkakamali? Wag mo ngang baliktarin ang sitwasyon. Ikaw nga yung gumawa ng maraming pagkakamali sakin eh." depensa ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang suntukin niya ng malakas ang pader. Kumpara sa ginawa niya kanina, lalong nanlaki ang mata ko nang hubarin niya ang suot niyang mask at itinapon iyon sa likod niya. Naaamoy ko tuloy ngayon ang hininga niya na amoy alak.
"Ako? Ako pa ang mali?" tanong muli nito. "Tama, ikaw nga. Ikaw ang 'bastos' na customer na paulit-ulit inihuhulog ang pera at ang lalaking nagbato sakin ng bottled juice." sagot ko sa kanya. Sinuntok muli nito ang pader na sinasandalan ko. Hindi ba siya nasasaktan sa ginagawa niya?
"Bwisit naman oh." angal nito. "Alam mo ba na sa dinami dami ng babaeng nakilala ko, ikaw ang tanging babae na bumato sakin?" saad nito sabay turo ng kanyang hintuturo sa aking mukha.
"Teka, wag mo nga akong dinuduro-duro riyan!" sigaw ko sa kanya at hinampas ang kanyang kamay. "Binalik ko lang naman sayo yung ginawa mo para maging 'fair' sa side ko." may diin ang pagkakasabi ko ng fair sa kanya. Inalis nito ang dalawa niyang braso na nagkukulong sakin at tumingin sakin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Fair huh?" wika nito pagkatapos ay pilit na tumawa. "What do you know about being fair? Or about fairness?" saad nito at "Alam mo ba na hindi na uso ang salitang 'fairness' sa mundo ngayon?" wika nito na ikinataas ng kilay ko.
"I disagree." tutol ko sa kanya. "For you to know Mister and in my opinion, fairness is widely spread in the world. For example is the gender equality between men and women. Did you know, na dati ay walang karapatang mag-aral ang mga babae dahil sa mababa and tingin ng mga kalalakihan sa kanila noon? But now look, ang mga babaeng tulad ko ay nakakapag-aral na. Isa pang halimbawa non ay a–." before I could finished my words, ay agad niyang inilagay ang kanyang hintuturo sa labi ko, na naging dahilan para matahimik ako sa pagsasalita.
"You're like my mother, who talks too much." pigil nito sakin. Napatingin naman ako sa hintuturo niya na madiing nakalagay sa labi ko. Nakangisi niya akong tiningnan, nang inalis niya ang kanyang ang daliri sa labi ko.
Kinilabutan ako ng inilapit niya ang kanyang mukha sakin at ikinulong muli sa kanyang mga braso. Kasunod non, ang pagsitaasan nang aking mga balahibo ng dahan dahan niyang pinadulas ang hinlalaki niyang daliri sa labi ko.
"Your lips are soft like a marshmallow." saad nito kaya napalunok muli ako. Is it a compliment or something?
"I'm wondering what your lips taste like..." he paused. "Is it strawberry flavored lips or cherry?" tanong nito sakin. Parang may kuryenteng dumaloy sa mukha ko ng hawakan niya iyon.
"I think, It is for me to figure it out." saad nito at ipinikit ang kanyang mata. Isang pulgada na lang ang layo ng mga labi niya sakin. Tiningnan ko siya at nakitang patuloy lang ito sa paglapit. Napalunok naman ako. Anong gagawin ko?
"What the hell!" sigaw niya sakin. Napahawak siya sa kanyang pisngi at galit na tumingin sakin.
"Did you just slap me?" tanong nito. Well yeah, I did. Hindi ko alam ang gagawin ko eh. saad ko sa aking isip.
"You're really getting on my nerves." saad nito. Mariin niyang hinawakan ang kanang braso ko at itinaas ang kaliwang kamay na animong sasampalin rin ako. Napapikit naman ako ng mata at hinintay na dumapo iyon sa aking mukha. Masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko, kaya hindi ako makaalis.