Prologue

27 1 0
                                    

            "Hannah anak bumaba kana at kakain na tayo" mahinahong sabi   ng mommy ni Hannah habang kinakatok ang kanyang pintuan.
              Inaantok man ay pinilit ni Hannah na idilat ang kanyang mga mata para bumaba at simulan ang kanyang araw. Madalas ganito ang takbo ng araw niya, Bahay-Paaralan-Bahay.
              Hindi siya palakaibigan at iilan lamang ang nakakakilala sakanya sa kabila ng sikat nilang DV Hotel and Restaurant. Naalala ni Hannah na ngayon pala ang Card Day sa kanilang paaralan kaya naman agad itong nagsalita.
               "Ah, ma Card Day pala namin ngayon sa school.. Makakapunta po ba kayo?" pagbasag ni Hannah sa katahimikang bumabalot sa hapag kainan. Napansin niya ang alanganing tingin ng kanyang ina.
                " Titingnan ko anak, pero kung sakaling hindi ako makadalo, tatawagan ko nalang ang principal para ibigay sayo ang card mo" walang emosyong sagot ng kanyang ina bago ito sumubo at nagmadaling maghugas ng kamay. "Oh siya anak, mauuna na muna ako, marami pa akong aasikasuhin sa opisina" saad ng kanyang ina bago pumanhik palabas ng hindi manlang hinintay ang isasagot ng kanyang anak.
                   Naghanda na si Hannah at pumasok sa paaralan. Half Day ang klase niya ngayon kaya't di na siya nag-abala pang magdala ng extrang pamalit. "Manong tara na po" malamig na sabi ni Hannah sa kanilang driver na si Mang Kanor. Matagal na itong nagtatrabaho sa pamilya Lee, labinlimang taon na.
                     Nakatingin lang sa labas si Hannah habang nasa daan. Iniisip nito kung anong kalalabasan ng kanyang marka matapos niyang hindi makapagreview at makinig ng maayos sa kanyang guro sa loob ng first quarter ng school year. Kinakabahan man ay pilit niyang pinakalma ang sarili at inisip na papasa siya. Ilang minuto pa ay nasa loob na sila ng Heatherman Science School.
                         "Mam nandito na po tayo" magalang na bati ng kanyang driver na tumapos sa malalim niyang iniisip. Bumaba na si Hannah at pumunta sa Room 12. Nagsimula na ang kanilang klase at nagdiscuss ng nagdiscuss ang kanilang guro habang laman parin ng isip ni Hannah ang magiging marka niya. "Miss Lee! Are you listening?!" pagalit na sigaw ni Mrs. Villanueva, ang teacher niya sa science na isang taon na lang ay magreretiro na. "I'm sorry ma'am" payukong sagot ni Hannah. "If you will continue being like this Miss Lee, I will give you a failing grade again." seryosong sabi ng kanyang guro. "Again? Tama ba ang narinig ko? So ibig sabihin bagsak na talaga ako sa science ngayong first quarter😢😢😢" bulong niya sa kanyang isip habang nagsisimula ng mamuo ang luha sa kanyang mga mata. "I'm sorry Miss Lee, I should've told you earlier about it" sincere na saad ng kanyang teacher.
                          Naguguluhan at nanginginig sa kaba si Hannah habang naglalakad sa garden sa harap ng kanilang bahay. Pihadong nalaman na ng kanyang ina ang grado nito. Hindi siya mapakali at dama niya ang awa sa sarili dahil alam niyang kakagalitan nanaman siya ng kanyang ina at lalo na ng kanyang daddy na darating mamayang gabi. Nakarinig si Hannah ng busina sa harap ng gate kung kaya't kumaripas siya ng takbo pataas sa kwarto at nagtalukbong ng kumot. Takot ang namamayani sa kanyang dibdib, dahil ang kotseng iyon ay sa kanyang daddy na napaaga ang uwi dahil magaan ang trapiko sa araw na ito.
                              "Hannah! Hannah! Bumaba ka rito!" sigaw ng kanyang daddy. Alam na ni Hannah ang susunod na magaganap kaya't inihanda na nito ang sarili. Unti-unting bumaba ng hagdanan si Hannah. Nanggigigil ang kanyang daddy base sa kamay nito. "Slap!" isang malutong na sampal ang dumampi sa makinis na pisngi ni Hannah, "Hannah!" sigaw ng kanyang ina na agad siyang inalalayan para tumayo. "Renato parang awa mo na! Huwag mo siyang sasaktan!" naiiyak na pakiusap ni Patricia sa kanyang asawa habang hinahaplos ang pisngi ni Hannah. "Yan ang problema sayo Patricia! You always tolerate your daugh....." .........."Our daughter Renato!!!!" umiiyak na sigaw ni Patricia. "What the hell! Don't you dare escape from this shit Patricia! And you! Hannah!!! You are a big FAILURE!! Wala ka ng dinala sa pamilyang ito kundi kahihiyan! Kung hindi ka nahihiya saamin ng mommy mo, mahiya ka naman sa sarili mo!"galit na bulyaw ni Renato sa mag-ina... " Renato tama na to, babawi naman si Hannah eh, give her a chance"pakiusap ni Patricia sa asawa. "Bullshit! Bibigyan mo ng chance yang shit na yan...".........
" Fine!!! This is all my fault!! Yun naman ang gusto mong marinig diba! Kailan ka nga ba huling nakinig sakin? Wala! You never listened to me dad, ang dami mong pagkukulang, pero lahat yun isinasantabi ko dahil kailangan ko ng ama. But you never gave me the love of a father, pagod na pagod na ako"sigaw ni Hannah bago mabilis na tumakbo pataas sa kanyang kwarto. Naiwang tulala si Renato at Patricia sa inasal ng kanilang anak. Ngayon lamang ito sumagot at naglabas ng hinanakit. Natulog si Hannah ng mabigat ang damdamin at punong-puno ng awa sa sarili.
                    Mataas na ang araw, nagising si Hannah na nasa tabi ang ina habang hinahaplos siya sa kanyang noo. Napayakap si Hannah sa ina habang umaagos ang luha sa kanyang mata.
                     "Don't worry anak, everything will be alright. Naayos ko na ang transfer papers mo at lunes na lunes ay dun ka na sa GIA (Greenville International Academy my) papasok."tuloy-tuloy na sabi ng kanyang ina habang siya ay nakatingin lamang dito ng diretso. Paano na ang buhay niya? Bagong adjustment, bagong environment... Lahat bago? Kakayanin niya kaya?

A/N: Hi guyssss!! Please support and read my story!! Also please follow me (PrinceKim182). Comments and suggestions are deeply appreciated. Thanks a lot!! I'll update every week promise!! Kaya sana po suportahan niyo ang story ko at samahan si Hannah sa simula ng kanyang istorya.
             

Two Princes And IWhere stories live. Discover now