Hindi pa nagsisink in sa utak ni Hannah ang tinuran ng kanyang ina. Magtatransfer siya, muli siyang makikisama at makikihalubilo sa mga tao na ngayon lamang niya makikita. Ipinikit niya nalang ulit ang kanyang mga mata at bumalik sa pagtulog. Mag-aalas tres na ng hapon gumising si Hannah at nagdesisyong bumaba para pakainin ang mga alaga niya sa tiyan 😂😂..
"Aling Rosa nasan po si mommy? Hindi po ba't halfday siya ngayon sa opisina?" tanong niya sa kanilang katulong. Nakaramdam si Hannah ng paninikip sa dibdib ng maalala ang kaganapan kahapon. Napakapit nalamang siya sa gilid ng mesa habang umiinom ng tubig at pilit na pinapakalma ang sarili.--------------------o0o-----------------------
"Hello? Yeah this is Ethan De Vera. Bakit?"mahinahong tanong ni Ethan sa tumatawag sa landline. " Ethan si Ninang Patty mo to, andyan ba si Debbie?"sagot ng babae sa kabilang linya. "Naku ninang wala po eh, next month pa po ang balik. Nag site visit po kasi sila sa Thailand para sa branch ng realty" magalang na sagot ni Ethan sa kanyang Ninang Patricia. Nagpasalamat si Patricia at kapwa na nila ibinaba ang telepono.---------------------------o0o---------------------------
Hannah's POV
Napapaisip pa rin ako hanggang ngayon kung bakit nga ba umabot sa ganito ang school life ko. Dati naman eh lagi akong pasado, line of 9 pa.... Haayyy naku, alam ko tinamad lang ako pero sapat na ba yun na dahilan para bumagsak ako? Kung sabagay, tiyaga ang puhunan sa pag-aaral, hindi laging talino o pera. Ano kayang mga bagay-bagay ang mangyayari sa bago kong school? Buti kung may pumansin sakin dun, o kaya'y kumaibigan man lang.. Haayyy!! Hannah Lee andami mong iniisip.. Chill ka lang OK?
"Mam Hannah andyan na po si Miss Patty" sigaw ng yaya namin mula sa baba.. Andyan na si mommy, yes!! Buti nga! Akala ko mauunahan nanaman siya ni daddy. Bumaba ako agad para yakapin si mommy at napansin ko na parang may lungkot na sinasabi ang mga mata niya kahit nakangiti siya sakin. Ano kayang problema niya? Is it about business or about what happened yesterday?
"Mommy what's wrong? You look awful"nag-aalinlangan ako habang tinatanong ko si mommy dahil baka ma misinterpret niya ang mga pinagsasabi ko. " You will be staying in a dorm for one month baby, until your Tita Debbie gets back"nakangiting sabi ni mommy sakin sabay yakap. Kinabukasan at hinatid ako ni mommy sa GIA, naninibago ako dahil mas malawak ang school na to kumpara sa dati."Kayanin mo baby ha, I know you can get back all your grades na bumagsak sayo' pangmomotivate ni mommy habang papaakyat ako sa fourth floor ng building na ito. Oo tama ang nabasa mo, nasa 4th floor ng dorm yung room ko 😂😂...
"Shit! Bulag ka ba o sadyang tanga ka lang?! Bwisit!"sigaw saakin ng isang matangkad at cute na lalaki.. Cute na ang gaspang naman ng ugali! hoy Hannah! Umayos ka! Nabangga ko ang lalaki, bakit kasalanan ko ba? Eh baguhan pa'ko sa school na'to at di ko kabisado ang mapa. Tsaka isa pa, anlawak lawak ng daanan tapos tatapat siya sa dinadaanan ko. Hay buhay!!!
" Excuse me! Kung sana kasi nasa tamang position ka ng nilalakaran di ka sana mababangga.."pagalit kong sagot sa lalaki habang nagsisimulang maglakad. Aww!! Napatumba ako sa sakit, may tumama sa likod ko, tama! Kagagawan to ng lalaking yun! Hindi siya pwedeng basta umalis nalang.. "Hoy walanghiya kang lalaki ka bumalik ka dito!!! Ahhhh!! Anak ng putik naman oh!" masakit talaga mga bes, binato niya ako ng tennis ball sa likod, ewan ko nga kung san galing yun eh..
Paakyat na ako sa 4th Floor, nakilala ko na nga rin pala ang dormmate ko, si Katrina Salazar, sexy siya at masarap kausap. Pero may something sa mga mata niya tuwing nagsasalita siya... Parang anlungkot ng buhay niya, daig pa yung life story ko... Hmmm... Bahala na, di muna ako mang-iintriga ngayon. "Bes labas lang ako ah, may kikitain ako dun sa KFC, importante lang" pagpapaalam saakin ni Kati, oo yan ang pinalayaw ko sakanya, mukha kasi siyang makati! Hey, huwag niyong sasabihin ah! Kakaibiganin ko pa to'eh... "Sabay na ako bes, baka mabulok ako dito sa loob" saad ko habang naglalakad palabas ng pintuan. Hmmmm... Ang lamig ng hangin dito sa park, nakakawalang stress at nakakarefresh.. Makatambay nga dito gabi-gabi 😂😂✌✌... Teka? May nakaupo sa bench, nakapikit pa. Sino kaya yun? Mukha siyang problemado, pero gwapo parin 😀😀😀😀....Hindi alam ni Hannah ang dahilan pero napalapit na lamang siya bigla sa lalaki at tahimik itong pinagmasdan... Nakapikit ang lalaki at dinadama ang banayad na pagdampi ng malamig na hangin sa kutis nito. Bumuka ang kanyang mata, at bumungad ang isang mala-anghel na mukha sa kanyang harapan na tila sinusukat ang bawat anggulo ng kanyang gwapong mukha... Magsasalita na sana ang lalaki pero naunahan siya ni Hannah....
"Ang ganda dito no? Nakakawalang stress at pasanin sa buhay... Halata sa mukha mo ang pagod at dami ng iniisip. Kung hindi mo mamasamain, pwede akong makinig" nakangiting saad ni Hannah sa lalaki. Tiningnan siya nito sa mata ng seryoso at walang imik... Ilang sandali pa ay... "Bago ka dito no? pilit na smile... " Ah oo" matipid namang sagot ni Hannah. Nakangiti pa rin ang lalaki habang nakatingin pababa,"Pressured ako both house and school, pressured ako sa bahay dahil kailangan mamaintain ko yung grades ko para mapasaya si mommy at sa school naman dahil sa kaliwat kanang tungkulin"nakangiting paglalahad ng lalaki. "Naku, baka matae naman ako sa sinasabi mo" patawang sabi ni Hannah, napatawa rin ng mahina ang lalaki.. Nagkatitigan ang dalawa ng mga limang Segundo habang nakangiti pa rin ang lalaki... "Seryosong usapan kuya, naiintindihan ko yung feeling na yan dahil sa pamilya ko, mommy ko lang din ang nakakaintindi saakin. Ang totoo niyan, kaya ako nandito ngayon dahil bumagsak ako sa first quarter... Pero, hindi yun sapat na dahilan para magmukmok diba? Kaya kahit anong bigat ng dala mo, lalaban ka pa rin para sa sarili mo at sa mga taong nagmamahal sa'yo..." nakangiting tugon ni Hannah sa binatilyo... "Ang galang mo naman masyado, 16 palang ako.. Kuya agad?" natatawang saad ng binatilyo bago tumayo. "Eh hindi ko alam pangalan mo eh, tsaka pati age kaya..." nangingiting sabi ni Hannah... "I'm Ethan De Vera, 16 years old, G10-A1.." sabay abot ng kamay kay Hannah... "Hannah Lee, 16, G10-A3.. Pasensya ka na ha, masyado yata akong naging fc" nahihiyang tugon ni Hannah sa binatilyo habang hawak ang kamay nito. "No..no, its alright.. Napagaan nga ang pakiramdam ko eh, ngayon lang kasi ako nakarinig ng payo... Everyone always think na kaya ko ang sarili ko, but sometimes I need someone to lean on." sabi ni Ethan kay Hannah habang nakatingin sa kanya. "Tara na, gumagabi na oh" pag-aanyaya ni Ethan sakanya. Inalok ni Ethan si Hannah na ihahatid na ito sa girls dorm pero tumanggi eto.. "Well, nice meeting you Hannah. See you around, thanks nga pala sa pagdamay" nakangiting tugon ni Ethan habang iwinawagayway ang kamay tanda ng pansamantalang pamamaalam sa bagong kakilala. Naghiwalay na ng daan ang dalawa at tumungo sa kanya kanya nilang dorm.
Hindi maipaliwanag ni Ethan ang nadarama niya ngayon, paulit ulit na nagfa flash sa utak niya ang ngiti ni Hannah... Ganun rin si Hannah na kanina pa sinasampal ang sarili dahil sa pagpikit niya ay mukha lamang ni Ethan ang nakikita niya...
Haaaayyy nnaaakkkoo!!! Ano to?! Pag-ibig na nga kaya?
Destiny? o Coincidence? Kayo na ang bahalang humusga...
A/N: Hmmm... It seems like something's really gonna change in Hannah's life. Nakilala na niya ang dalawang prinsipe na babago sa buhay niya... Ay hindi pala dalawa, isa lang.. Di pa naman niya nalaman kung sino ang nakabangga sakanya diba? Please read and drop a comment in this. A lot of thanks po! 😊😊😍😍😘😘😘
YOU ARE READING
Two Princes And I
General FictionThis story is about a girl who was forced to transfer in another school due to her failing grades. In her new school, certain events will happen and change her life.