Unang araw pa lamang ng ating pagkikita,
ngunit pakiramdam ko sa iyo ay napakagaan na,
ano nga ba itong nadarama,
ito na nga ba ang simula ng ating pagsasama?Matagal na nuong una tayong nagkakilala,
ngunit bakit parang habang tumatagal,
itong aking nadarama sa iyo'y lumalala,
pag-ibig na nga ba o sadyang walang kasiguraduhan sa nadarama?pilit ko man ilayo ang aking sarili,
puso ko'y sinasabing manatili,
isip ma'y humahadlang sa puso,
ngunit nadarama ay sadyang mapanukso.ano man ang aking gawin,
hindi ka maiwasang isipin,
ano na lamang ang aking gagawin,
pagtingin ko sa iyo'y lumalalim narin.pag ibig nga naman oh,
kahit sa pagtulog ko,
ikaw parin ang nasa isip,
patuloy ang paglalakbay sa aking panaginip.salamat saiyo,
buhay ko'y pinasigla mo,
na dati'y parang lantang gulay,
na wala manlang kabuhay- buhay.ngayon kolang napagtanto,
na hanggang kaibigan lang pala tayo,
ngunit umaasa parin,
na ako'y iyong mahalin.oo masakit,
tunay ngang pag ibig ay sadyang may kapalit,
kung may kasiyahan,
mayroon ring kalungkutan.hanggang dito na lamang ba,
ang pag ibig ko sayo aking sinta,
aking nadarama'y unti unti nalang mawawala,
na mistulang para bula.hanggang dito na nga lang,
isusuko ko nalang,
nararamdaman ko sa iyo'y isasantabi nalamang,
na pagkakaibiga'y mananatili nalang.
BINABASA MO ANG
Nadarama
Poetryhalo-halong nadarama ang inyong mababasa sa aking akda, nawa'y inyong matipuhan.