sa bawat araw na dumadaan,
patuloy parin ang aking nakagawian.
kalungkuta'y pilit itinatago,
hanggang kailan kaya hahantong ito?palaging naglalakbay sa aking isip,
ako kaya'y nakikita mo sa iyong panaginip?
mahirap umasa lalo na't binigyan ka nito ng pag-asa,
pero normal lang naman ito sa taong nagmamahal, hindi ba?mga ngiting iyong nasisilayan,
akala'y parte pa rin ito nang katotohanan,
ngunit ito'y sadyang mahirap,
mahirap bumangon na palaging nagpapanggap.pagbabalat-kayo na lamang ang tanging hahantungan,
basta't aking masisilayan,
ang iyong maamong ngiti,
na nakapagtatanggal ng aking pighati.
BINABASA MO ANG
Nadarama
Poetryhalo-halong nadarama ang inyong mababasa sa aking akda, nawa'y inyong matipuhan.