sa kabila ng lahat,
kahit na napakabigat,
nagawa ko paring ngumiti,
nararamdaman ko sa iyo'y panandalian munang isasantabi.mahirap man gawin,
nagsusumikap parin,
sasanayin na muna ang sarili,
kahit wala ka sa aking tabi.naghahanap ng mapapaglibangan,
sana magawan ng paraan,
upang ikaw ay makalimutan,
kahit manlang panandalian.hinihiling sa Maykapal,
nadarama sayo'y ika'y matanggal,
kahit napakahirap,
ako'y magsusumikap.pilit ko mang gawin,
'di parin kita maiwasang isipin,
ano bang ginawa mo sa'kin,
parang isip ko'y ayaw ka ng burahin.nakakatawa mang isipin,
ngunit ang isip ay parang gusto ka paring bumalik saakin,
puso nama'y humahadlang sa aking nararamdaman,
sapagkat ayaw na ako nitong masaktan.nangangarap na balang araw ika'y malimutan,
nararamdaman ko sayo'y sana manlang lumiban,
sapagkat 'di ko na kaya,
baka 'di ko mapigilan ang aking nadarama.
BINABASA MO ANG
Nadarama
Poesiahalo-halong nadarama ang inyong mababasa sa aking akda, nawa'y inyong matipuhan.