sobra akong nasaktan,
'di ko alam kung saan ang aking paroroonan,
nagdadalawang isip kung saan dadaan,
bahala na basta ilalabas ko na lamang ang aking nararamdaman.mga luha'y pumatak,
di namalayang may tubig na bumabagsak,
ngayon kolang napagtanto,
ulan pala ito.habang patuloy ang ulan,
ngayon kolang ito naramdaman,
nakakagaan rin pala ito ng karamdaman,
para bang ako'y dimadamayan.habang naglalakad,
'di na namalayan kung saan napadpad,
hindi ko maiwasang alalahanin,
mga masasayang ala-alang binuo natin.napagdesisyunan kong umupo na lamang sa sulok,
iniisip ang ating mga napagdaanang pagsubok,
lahat ng iyon ay ating nalagpasan,
ngunit ito lang yata ang iyong sinukuan.bakit mo ako iniwan,
gusto kong malaman ang iyong dahilan,
ano ba ang nagawa kong kasalanan,
tila ba'y 'di mo na ako pagbibigyan.hanggang dun nalang ba,
susuko ka nalang bigla,
kung iyon ang desisyon mo,
masakit man pero tatanggapin ko.
BINABASA MO ANG
Nadarama
Poetryhalo-halong nadarama ang inyong mababasa sa aking akda, nawa'y inyong matipuhan.