Chapter 1

97 4 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Chapter 1

"I am sending you very far away." saad ni Daddy. At ako naman ay nagulat sakanyang sinabi.

"What Dad? No! You know how much I love Quezon!" sagot ko dito at ito naman ay umiling sa akin.

"No one or something can change my decision Calistin how many times mo ng nalabag ang isinabi ko sa iyo diba? No parties and strictly no boyfriend." diin ni Daddy na isinabi ang no boyfriend putcha di na ako bata para pagbawalan, nadaig pa ako ng Grade 6 ha.

"Its not a serious boyfriend Dad. If ang punto mo is masasaktan ang maganda mong anak ay aba Dad sila ang sasaktan ko." saad ko at nagtaray.

Kumunot ang noo neto at napailing.

"I know you're beautiful Calistin, Don't take advantage of your Mom's beautiful face." sabi ni Daddy.

Kamukhang-kamukha ko kasi si Mommy kaya protektado ako ni Daddy lalo na't ako lang ang nag-iisang anak niya at matagal ng nawalay sa amin si Mommy.

"I told your yaya to pack up your things. I hope you have a great time there anak—"

"But Dad how about my school?!"

"Don't worry alam ko kasing makulit ka kaya wala ka pang nalalabag the fifth time inasikaso ko na lahat ng papeles mo para maitransfer ka sa probinsya." sagot naman ni Dad.

That pissed me. How about my boyfriends and my friends? Ugh I hate it. wala ng party party lalo na't sa probinsya pa ako dinala. I don't have any choice but to accept the fact na I'll leave Quezon again. Yes ilang beses na akong umalis at bumalik sa Quezon, the same reason din. Like 3rd time ko na ngayon na paalisin ulit dito sa Quezon ni Daddy.

He sent me sa Cavite at Laguna tumagal ako sa Cavite ng 4 months at 3 months sa Laguna and this time hindi ko na alam kung saan ako ipapadala ni Dad.

"Saang probinsya Dad?" tanong ko kay Daddy at ngumiti ito.

"Hulaan mo nalang pagdating mo doon, masiyado kang maiispoil if sasabihin ko agad sayo. So go to our car everything is settled na." saad ni Dad at ako ay napatapik nalang ng aking noo.

"Kailan ka bibisita?"

"I don't know when pero I'll visit you as much as possible but you know Daddy is very busy with our company. So wag ka na pasaway please lang baka mamaya ipatawag nanaman ako ng Principal niyo. I don't want you to cause too much trouble, I am sending you to different places so that may matutunan kang mabuti hindi kalokohan." ani ni Dad.

Hindi na nagsawa si Daddy pinadala niya na ako sa iba't ibang lugar pero wala naman akong napulot na mabuti.

Pumunta na ako sa kotse at nagmuni-muni. Saan kaya ako ipapadala ni Daddy? Ilang beses na nagvibrate ang cellphone ko ngunit hindi ko na ito pinansin, Its just Lowelle one of my manliligaw pero joke lang yung kaninang marami akong boyfriend. Hindi ako maharot, mahilig lang ako sa parties like birthday party kaso madami ako friends kaya araw-araw may birthday.

Lowelle: Where are you right now?
Me: Off to somewhere idk.
Lowelle: What? But why?!
Me: I told you 'diba na palipat-lipat ako and right now lilipat na naman ako with the same reason.
Lowelle: How about your school? Alam ba to ng school?
Me: Yea. Ako pa nga ata ang nasurprise kasi ako ang walang alam.

Nagvibrate pa ang cellphone ko ngunit hindi ko na ito binigyan ng pansin. Saan kaya ako ano? Siguro sa Alabang or Muntinlupa? Buhay mayaman siguro pupuntahan ko ano?

Hindi ko namalayan ang pagpikit ng mata ko.

Naalimpungatan ako at una kong tinignan ang cellphone ko na walang signal. Bakit walang signal? Nasa Alabang naman yata ako 'diba?

Nagkamali ang conclusion ko ng makita ko ang bintana at tila gulat na gulat ako sa nakita ko.

Bukid at palay, pag trinanslate sa English ranch o farm sa pagkakaalala ko wala naman atang palayan sa Alabang? At napansin kong wala manlang buildings at bako bako pa ang daan dito. Hindi naman naisabi sa akin ni Daddy na ipapadala niya ako sa Farmville— este palayan.

Simpleng pamumuhay at walang ingay ang maririnig o baka wala ka ng marinig. Feel ko di ako tatagal ng ilang oras dito dahil hindi ako sanay sa ganitong pamumuhay. Sorry Dad pero baka magulat kayo naghihingalo na ako, goodbye world.

Katapusan na 'yata ng mundo ko.

Walang internet at signal tanging bukid at palayan ang pamumuhay, gagawin ata akong farmer ni Daddy sa sikat na ranch at farm namin, may balak ata si Dad na gawin pa kong magsasaka.

"Nasan po tayo Manong?" tanong ko sa personal driver ng aming pamilya.

"Nasa Azeral ho tayo Mam." nagulat ako sa sinabi ni Manong.

Azeral?! Daddy naman ang dami-daming ibang lugar diyan bakit purong probinsya or sa pure province mo pa ako pinapunta?!

"Wag ka po mag-alala masaya ang pamumuhay dito." saad ni Manong.

"Nako manong wag mo po akong maloko-loko baka unang pagtapak ko lang dito sa Azeral eh pumanaw na ko ng wala sa oras." saad ko.

"May city naman po dito hindi lang puro bukid at palayan ang makikita mo." nakahinga ako ng maluwag sa isinabi ni Manong Pedro sa akin.

Napatingin ako sa aking kaliwa at nakita ko ang dalawang maliit na bata sa di kalayuan na may kasamang kasing edad ko na lalake na tila tinuturuan niya ang bata ng basketball. napatingin sa akin ang lalake at tila nawala sa wisyo, sinubukan ng isang lalakeng bata magshoot ng isang beses ngunit sumablay ito kaya't tumakbo ang lalake papunta sa kung saan ang bola. papunta ito sa direksyon ko at agad naman niya itong kinuha dahil kung hindi niya yun agad kinuha baka magasgasan pa ang kotse namin kung sakaling lumipad ang bola papunta sa kotse.

Ang tingin niya, nakapagbigay sa akin ng maraming kahulugan isang tingin pa lamang iyon at wala pang salitang sinasabi ngunit makapangyarihan.

Siguro nasobrahan lang ako sa tulog kaya't ibinaling ko ang tingin ko diretso atsaka naman nakadaan ang kotse namin sa bako bakong daan.

If We Meet AgainWhere stories live. Discover now