Chapter 2

22 2 0
                                    


Chapter 2

Tumigil ang kotse namin sa isang malaking bahay heto lang ang natatanging bahay na maayos dito at malaki marahil yung ibang makikita mong bahay kung hindi luma baka bahay kubo.

Napatingin ako sa aking cellphone pero wala paring signal, kahit naman na may wifi dito mabagal pa din.

Nakita ko ang dalawang matandang nag-aabang sa amin at mga dalawang teenager na babae at lalake at isang mukhang kaedad ko lamang na lalake.

"Ala eh maraming salamat at idinala ninyo ang mga pinsan neto, babalik ga sa iyong pinanggalingan?" tangi kong rinig sa labas atsaka ako lumabas sa kotse, pinsan ko daw sila? aba't may pinsan pala ako dito sa Batangas eh no.

"Hindi ho baka bukas na po ako bumalik sa Quezon at hapon na po ngayon eh." sagot naman ni Manong.

Bilang pagrespeto ako ay gumalang sa dalawang nakakatanda at nagmano.

"Goodafternoon ho." sabi ko at nginitian silang lahat.

"Sa makalawang linggo eh ipapasyal ka namin doon sa bayan para makita mo ang ganda ng Azeral, walang iba pang desisyon ang iyong tatay kung hindi tumira ka sa amin. pasensya na kung puro palay ang iyong makikita dito." pagpapaumanhin ni Lolo.

"Ay hindi po, okay lang naman po na tumira dito kahit walang net." sagot ko at tila naguluhan ito sa naisagot ko.

"Net?" tanong ni Lolo. Oo nga pala hindi uso dito ang net o wifi bakit ko pa ba kasi binanggit yon, hindi ko rin pa man alam kung paano iyon idedescribe.

"Yung wifi po." saad ko at ngiti.

"Gutom ka na ga? Meron akong niluto doon, Alyna at Camille kayo na ay kumain dun at sabayan itong si Calistin." suhestyon ni Lolo.

"Sige po." sang-ayon naman ni Alyna at Camille, habang ako ay naghahain ng mga plato may gusto ata silang sabihin ngunit nahihiya.

"Hindi ako sanay sa ganitong buhay." sabi ko sakanila at sila naman ay natawa.

"Kami din naman, siguro uso sa lahi natin na pinapatalsik sa bahay no?" saad ni Alyna at tumawa.

Nagulat ako sa sinabi nila, akala ko dito sila nakatira pero yun pala kagaya ko lang din naman pala sila.

"At ano naman ang dahilan bakit kayo naparito or pinatalsik dito?" tanong ko.

"Ako kasi kaya nandito ako para daw makafocus ako sa pag-aaral kasi bumagsak ako ng ilang beses kaya dito muna ako pinatira." ani ni Alyna at kamot ng batok.

"Ako naman gusto lang talaga nila Mama na papuntahin ako dito para daw maranasan ko yung buhay probinsya hindi puro net at wifi daw. Ikaw?" sabi naman ni Camille.

"Mahilig kasi ako gumala tapos magparty pero never pa ako pumunta sa mga bar, ilang beses narin akong napatawag ng Principal namin at ilang beses na din akong pinatalsik mula sa Quezon. Pangatlong beses ko na to haha." kwento ko.

"Ah kaya pala, laking Quezon ka kasi at dagdagan mo pa na mayaman kayo." sabi ni Alyna.

"Ay nga pala saan kayo nag-aaral dito?" nacurious kasi ako eh baka mamaya dun din ako mag-aral.

"Malapit lang magjijeep kalang tapos tricycle mararating mo na yung school namin, for sure naman sa school ka din namin eh." sabi nila.

"Kailan pa kayo nandito?" tanong ko, sasagutin na sana nila ang tanong ko nang may kumatok. napatingin ako sa bintana at hindi ko maaninag kung matanda na ba yung kumatok o ano. kaya dali-dali kaming lumabas dalawa.

Nakatalikod ito at tila ba naghihintay.

"Ano pong sadya niyo?" tanong ko dito kaya't napaharap eto at— siya yung kaninang nasa basketball court. Yung matangos ang ilong, moreno, mapupulang labi, mahabng pilikmata at maskuladong katawan!

"A-ah eh ano kasi may a-ano." sabi neto at nagkamot ng ulo.

"Po?" tanong ko, ang gulo niya kausap ni hindi manlang nabubuo ang sentence na sinasabi niya hindi ko alam kung sentence pa ba yun o word lang eh.

"Si a-ano si Rommel pakitawag naman Alyna at Camille." saad neto at napatingin naman ako kay Alyna at Camille eh hindi ko naman kilala kung sino yung Rommel na yun. At kilala pala niya sina Alyna at Camille? How come?

"Rommel! May nagtatawag sayo!" wow at taga dito lang din naman pala yung Rommel na sinasabi niya.

I see, kung kilala niya yung Rommel na taga dito lang pala sa amin walang duda kung pati sina Alyna at Camille ay kilala niya.

"Kailan ka pa lumipat dito?" bigla akong nagulat sa sinabi niya.

"Huh? Uhm hindi naman talaga ako lilipat dito eh, saglit lang ako dito siguro mga ilang buwan lang." saad ko at tumango na lamang siya.

"Ah may natitira pa pala akong ilang buwan para mas kilalanin ka?"

Totoo ba ang narinig ko o imahinasyon lang yon? Baka naman nasobrahan ako sa tulog.

"Ha? Anong sabi mo?" tanong ko at bigla naman siyang nawala sa wisyo.

"Ha? Wala ah! Wala naman akong sinasabi." saad niya at ngumiti.

Baka nga nagiimahinasyon lang ako tss hay nako Calistin. Kung hindi ka nasobrahan sa tulog baka nasobrahan ka sa kape.

Lumipas ang isang araw at heto na ang araw kung saan papasok na ako, maraming tao ang nagmemessage sa akin through messenger sa kadahilanan na din na lumipat ako ng walang pasabi-sabi, kunyari concern pa pero namamlastik lang pala tss. hindi na ako nahg-abalang imeskosage yung iba mga kaibigan at mahalagang tao lang yung minessage ko dahil nakakatayamot yung signal dito!

Aleister's Point of View

"Ace, halika nga dito at may sasabihin ako." biglaang tawag sa akin ng aking guro.

Aleister ang totoong pangalan ko pero nagmula ang Ace doon sa Eis. 'Diba ang galing nila mag-isip ng ipapangalan sa akin.

"May new student tayo dito kaya ang sabi ko kahapon eh pumasok ka ng maaga ng 10 minutes early. Eh as a class president pwedeng ikaw nalang ang mag introduce sakanya mamaya sa harapan." sabi ng aking guro at um-oo nalang ako dahil wala din naman akong choice kahit tinatamad ako.

"Ang pangalan niya ay Calistin Elizabeth Laster" saad ni Mam na ikinataka ko.

Laster? Ang alam ko ay isang sikat na apelyido ang Laster dahil marami itong kompanya sa Pilipinas, kilala ito bilang mayaman na pamilya. Ngunit anong ginagawa niya sa Azeral probinsya ito. Kung ako ang ama niya baka pinaalis ko pa siya dito sa Pilipinas para mag-aral sa sikat na unibersidad sa ibang bansa, kaso di naman ako mayaman.

Pero ganun pa man ako parin ang laging pinagkakandarapa ng mga babae dito sa eskwelahan na ito.

Kahit anak ako ng isang mahirap na pamilya. Anak ako ng isang magsasaka at isang driver sa pamilya ng Azeral.

Ngunit hindi makikita sa mukha ko ang features ng aking nanay at tatay, ni isang bahid ng feature nila sa mukha ko walang-wala.

Meron akong matangos na ilong, mapupulang labi, maskuladong katawa, mahabang pilikmata at noong isilang ako eh maputi ako pero dahil nasa probinsya ako naging moreno ang kutis ng katawan ko.

Kita sa features ng aking tatay at nanay ang purong probinsyano at probinsyana sila.

Hindi ko alam kung goodnews ba yung pagiging gwapo ko o badnews?

Ano kayang pakiramdam na mayaman ka o anak ka ng isang mayaman?

Mangangarap ako na susunod magiging mayaman ako! Makukuha at matutupad ko ang bawat hiling kong materyales na bagay.

Hintayin ninyo ako sa pangarap ko, makakamit ko yun at magkakaron ako ng masayang pamilya!

If We Meet AgainWhere stories live. Discover now