Chapter 5

19 0 0
                                    


Chapter 5

At tama nga siya, tinantanan ako hanggang matapos ang buong araw na ito. Hinintay naman ako nina Alyna at Camille hanggang sa matapos ang hinihigpil ko, agad kaming tumungo sa lockers namin at swak ka nga naman dahil magkakatabi lang pala ang lockers namin.

1115 ako 1114 si Alyna at 1113 si Camille.

"Ginugulo ka ni Ace no?" tanong ni Alyna at ngumisi sa akin, kumunot ang noo ko dahil halata naman.

"Sira na ang unang araw ko sa eskwelahan na to dahil dun sa lalakeng yun!" ani ko at tumawa naman silang dalawa sa sinabi ko.

"Ganyan 'yan si Ace pag may magandang transferee or natipuhan niya hindi niya tatantanan hanggang sa magustuhan siya neto." saad ni Camille.

"At isa pa, hindi siya nabigo ni minsan." dagdag naman ni Alyna.

At ganun pala ha, pwes hinding-hindi ako magkakagusto sakanya. iba ako sa lahat ng babae, unique ako at papatunayan ko yun sa iba kahit anong mangyari. papatunayan kong merong kaisa-isang babae na hindi siya kayang suklian ng nararamdaman niya.

"And the worst part is—" may sasabihin na sana si Alyna nang may dumating na magtrotropang lalake at nagulat ako dahil kasama si Ace dito. Nagtaka pa ako eh lahat naman ng lalake may tropa diba?

Hindi niya yata ako napansin at tumuloy sila ng tropa nila sa medyo katabi kong lockers.

"Akin na yung five thousand pesos, natalo ka sa pustahan eh!" ani ng isang lalake na ang pinakamatangkad sakanilang magtropa.

"Siya si Chase Andres Carpio. Chase ang tawag sakanya." bulong ni Alyna sa akin habang pinagmamasdan nila ang magtropa na pasulyap at hindi halata pero nakaramdam ako na hindi mapakali si Alyna.

Bakit kaya? Hindi ko na siya tinanong pa baka guni-guni ko lang yun.

"Oh heto na nga! Kainis naman, palagi nalang akong talo sa pustahan. Paano ba naman kasi tong si Ace pag may nililigawan ako eh siya pala ang gusto." saad naman ng isa na nakataas ang buhok at spiky kuno ang tawag sa buhok na yun o sabihin natin hindi nagpapagupit.

"Siya naman si Jacus Zed Almora. Zed naman ang tawag sakanya." ani naman ni Camille at sumulyap sakanila.

"Ang pangit mo kasi ayan tuloy natatalo ka sa pustahan!" saad ng isa at nagsitwanan ang lahat.

"Mycus Daniel Leishano. Mycus lang din."

Leishano? Pamilyar ang apelyidong yun sa akin at sa pagkakaalam ko mayaman ang pamilyang iyon, pero ano ba ang ginagawa ng isang mayaman dito? katulad ko din ba siya?

"O heto next bet para kay Mycus iyong babaeng yun, yung naglalakad na may kasamang madaming babae at may hawak na libro." turo ng isang lalake na may dimples.

"Gavin Tyrance Monterico. Tinatawag siya bilang Rance."

"At ang kay Ace naman hmm, wala akong maisip bro. Aha! yung babaeng kinukul—" agad namang tinakpan ni Ace ang bibig ni Rance ng makita akong katabi lamang nila ako.

"Ang ingay mong bwiset ka, manahimik ka diyan." sita neto kay Rance at um-oo naman ito.

Agad naman silang napatingin sa aming tatlo at ngumiti sila ng sabay at kamot ng batok. ano namang ang pinag-uusapan nila? Ni wala nga akong clue kung ano yung five thousand na yun eh, wala naman akong pake kung drug dealer o nagbebenta sila ng weeds.

If We Meet AgainWhere stories live. Discover now