Chapter 3

19 1 0
                                    


Chapter 3

Calistin's Point of View

Pagkapasok ko sa eskwelahan agad akong nakaamoy ng ihip ng hangin! ngayon lang ako nakaamoy ng ganitong hangin, probinsyang-probinsya!

Sa Maynila o saang bahagi ng Quezon subukan mong huminga baka makahinga ka ng amoy ng putok, kili-kili o di kaya amoy ng mga kotse.

Ang nagustuhan ko lang dito so far yung ihip ng hangin! The rest galit ako dito sa buong Azeral.

Sino ba ang may-ari neto at walang signal sa kahit sulok o parte ng Azeral. I can't communicate with friends and my lovely Dad! But I do, hate my Dad a little for sending me out here. Mapadpad o mapunta na ako sa iba't ibang lugar wag lang dito sa Azeral.

Too much province ito.

"So here we are Calistin! Nasa public school tayo ng Azeral! Azeral National School!" sambit ni Alyna ng masigla.

I hope na maging masaya ako dito sa probinsya katulad nila, but I think it'll never be fun.

I hope na mananatili ako dito for 1 week lang. I am too eager na makabalik sa Quezon!

"Hoy bakit hindi ka natutuwa diyan?" tanong ni Alyna at tumango si Camille bilang sang-ayon sa sinabi ni Alyna.

Napatingin ako sakanilang dalawa at napakunot ako ng noo, how can they ask stupid question? Someone like me hindi talaga matutuwa dito ano!

"Do you think I'll have fun here when there's no parties, fast internet and malls?" tanong ko sakanila at umirap.

"Oh sure magiging masaya ka dito sa Azeral! Sinabi ko rin yan noon noong una kong pasok dito sa Azeral pero sureball na sigurado ako na after that week, biglang ayoko nalang bumalik sa Maynila myghad. I know this province thingy is not my thing but I can't help but to appreciate this effin Azeral! I badly want to live here for the rest of my life." saad neto with full of confidence sa akin na para bang inaaliw nila ako na magugustuhan at gugustuhin ko pang tumagal dito sa Azeral.

"Oo, tama itong si Alyna. Heto din ang unang nangyari sa akin dito simula nung pumasok ako dito sa eskwelahan! parang ayoko dito lalo na't probinsya to at walang wifi pero take a better look dito sa Azeral alam kong mayaman kayong pamilya ng Laster but I really mean what I said earlier na you sure thing next week babawiin mo sinabi mo." sabi ni Camille at tuwang-tuwa.

"K fine, whatever." sagot ko at biglang humagikgik naman sila ng tawa na para bang nanalo sila sa isang usapan.

Hindi ibigsabihin ng 'k fine.' sumuko na ako but it is more like I don't want to waste my time proving na hindi ko maaappreciate ang Azeral no!

I have more things to do kesa makipagprotesta sakanila 'no.

Ano nga ba gagawin ko? Uh, wala din pala akong gagawin tsk. Great.

Bigla namang nagring ang bell hudyat na kailangan na kami pumasok sa silid-aralan, papasok na sana kami ni Alyna at Camille nang makita namin ang guro o adviser ata namin at pinahinto ako.

"Mauna na muna kayo Alyna at Camille!" saad ng aming guro.

"Ah ako nga pala ang adviser niyo. Ms Crystal nalang ang itawag mo sa akin, ipapakilala ka ng president ng klase sa harapan maghintay ka nalang na itawag ang pangalan mo." sabi ni Ms. Crystal sa akin at ngumiti nalang ako bilang tugon.

Introduce nanaman, nakatatlong introduce na ko sa isang taon ha.

"Okay. Maupo na kayo at may ipapakilala ako sa inyo, new student natin siya at sana makihalubilo tayo sakanya. Please come inside Calistin Elizabeth Laster." saad ng presidente nila agad naman akong pinagbulungan ng iba at narealize ko nalang kung sino ang tumawag sa pangalan ko nang tignan ko ito.

If We Meet AgainWhere stories live. Discover now