Forbidden Love 19

7.7K 127 41
                                        


ARA P.O.V

"NAKITA mo ba si Jeff Maya?"

Nadinig kong tanong  ni Tita kay Maya, kakarating ko lang galing school. "Sinundo po siya dito nina Bryan kanina, magmi-meeting daw po para sa liga ng basketball."

Oo nga pala no? Malapit na ang pista dito sa amin at may paliga na naman si Kapitan. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Hay, nakakapagod mag-accomplish ng mga requirements para sa graduation pero excited na ako.

Sa wakas maibabalik ko na din yung tinulong sa akin nina Tita at ng mga magulang ko. Finally, maaabot ko na din yung mga pangarap ko. Humiga na muna ako para makapagpahinga at maka-facebook na din.

Wala namang bago dito sa facebook, puro lang din mga hugot, lahat hugot walang baon. Nag-scroll lang ako sa newsfeed ko nang mapahinto. I smirked nang mabasa ko ang post ng anak ni Kapitan na si Angelica. Kinunan lang naman niya ng stolen shot si Kuya habang naglalaro ng basketball.

'He's here again.' Yan yung caption tapos may heart-heart pa. Naku! Mga babaeng 'to talaga. Infairness, maraming nag-react. Padabog kong binitiwan ang cellphone ko at nagpalit na ng damit. Napasulyap ako sa may wall clock, pagabi na ah, wala pa din siya? Mukhang nag-enjoy talaga sa practice ah. Hmmpp!

Passion din kasi talaga ni Kuya ang maglaro ng basketball at magaling siya dun. Madalas nga siyang nagiging MVP eh. "Ara?" si Maya kumakatok.

Agad ko namang binuksan ang pinto. "Ano 'yun?" I asked.

"Tawag ka ni Sir Jeff, punta ka daw sa room niya." sagot niya. Napataas ang kilay ko, nag-utos pa talaga siya eh ang lapit ng room namin. "Kakatapos ko lang kasi maglinis ng room niya kaya pinadaanan ka nalang din niya," dagdag pa ni Maya, mind reader yata 'tong babaeng 'to eh.

Napatango nalang ako. Pagkaalis ni Maya ay lumabas na din ako. Nakakailang katok na ako pero wala pa ding bumubukas kaya pumasok nalang ako. Nasa banyo pala siya, humiga na muna ako sa kama niya. Saglit lang ay lumabas na siya, nakatapis lang sa baba at nagtutuyo ng buhok.

"Kanina ka pa?" tanong niya sa akin habang naghahanap ng masusuot na short.

"Yes," maikli kong sagot.

"Ah, I need to show you something,"  sabi niya saka kinuha niya yung phone niya sabay abot sa akin.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Design 'yan ng jersey namin, saan ang maganda diyan?"

"The Legend," pagbabasa ko sa name ng team nila. "Ang baduy naman ng team niyo." 

"Design yung tinatanong ko, di yung pangalan ng team," irap niya sa akin.

"Wala. Walang maganda," pagtataray ko na din.

Napatitig siya sa akin. "Habang tumatagal parang mas lalo kang nagiging masungit aa!" Hindi ko alam kung na-a-amaze siya sa akin o nayayamot. Hindi ko nalang siya pinansin at nagbutingting nalang ako sa mga files niya.

"May gagawin ka ba bukas?"

"Wala. Pero uuwi ako," sagot ko, nangako kasi ako kay Tatay na uuwi ako eh.

"Gusto ko sanang manood ng sine bukas. Sunduin kita ng 6 sa inyo."

"Okay."

"Hay..." sabay unat niya, tapos sinuklay-suklay pa niya yung basa niyang buhok gamit ang mga daliri niya. Mahaba na kasi yung buhok niya kasi nga di pa siya nakakabalik sa duty.

"Kuya ano ba?!" angil ko nang bigla siyang dumapa sa akin. Nilublob niya yung mukha niya sa may leeg ko. Aixt...di ako makahinga! Gawin ba naman akong kutson? "Kuya naman! Ang bigat mo eh!  Hindi ako makahinga!" palag ko. Sinubukan ko siyang itulak sa balikat pero ang bigat niya talaga.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon