Chapter 1

1.5K 139 390
                                    

"Ama saan ka pupunta?" Tanong ko kay ama na naglalagay ng mga materyales sa kaniyang tela at inilagay sa kaniyang bayong. Hindi ganoon kalaki ang bayong na dala niya pero kitang-kita ko pa rin ang mga kagamitan para sa pangangaso.

"Pupunta ako sa pinakagitnang lugar ng Arslan, anak. May nakapagsabi sa akin na marami daw mga kahayupan doon na matataba ang mga karne." Tugon kaagad ni Ama na siyang ikinangiti ko't ikinatango. Iyon din ang nabalitaan ng ibang mga ka-tribo namin na may mga hayop doon na matataba at malalaki ang karne. Sagana rin kasi sila sa mga kinakain nila roon lalo na't matataba ang mga halaman dahil rin sa matataba na lupa.

Mahirap makahanap ng mga hayop sa lugar na ito lalo na't malayo ang tinitirhan namin sa matatabang lupa. Kapag kasi may matatabang lupa, may matatabang halaman at kapag may matatabang halaman, may matatabang mga hayop. Kaya karamihan talaga sa amin ay doon sa pinakagitna ng Arslan nangangaso dahil sa rami ng iba't ibang hayop ang naninirahan roon.

Tinatawag nilang Tribong Dalugdog ang aming tribo lalo na't karamihan sa amin ay may kakayahang bilis na parang isang kidlat... na siyang dahilan kung bakit hindi mahirap para sa amin ang mangaso. At tiyaka nito lang rin pinangalanan ng aming pinuno ang aming tribo lalo na't hindi naman talaga na 'yon importante para sa amin. Pero dahil sa kagustuhan ng pinuno namin na mapabilang sa mapa ng mundong 'to, pingalanan niya ang ang tribo. At gagawin niya ang lahat upang maraming makakakilala sa amin.

Kami lang ang mga tribo na may malalakas na katawan, may liksi at katalinuhan kagaya sa iba na hindi mapapantayan ng kung sino man. Wala kaming kakayahang maglabas ng kung ano galing sa aming mga katawan o palad na katulad ng Tribong Banak na siyang kayang kontrolin ang mga pangunahing elemento ng kalikasan. Hindi rin kami tulad ng Tribong Hulman na kayang kontrolin ang kakaibang mga kapangyarihan na may koneksiyon lang rin sa mga elemento.

"Gusto ko pong sumama," Sabi ko kay Ama. "Gusto kong makatulong sa'yo Ama lalo na't malayo rin ang lalakbayin ninyo." Gusto kong sumama hindi lang dahil sa gusto kong makatulong, gusto ko rin kasing makita kung ano ang itsura ng pinakagitna na Arslan. Malayo kasi ang lugar na ito sa pinakagitna kaya walang may alam na may katulad naming tribo ang nabubuhay.

"Huwag na anak dahil walang magbabantay sa iyong Ina. Ang iyong ina na lang ang matitira dito kapag wala ka at hindi niya kakayanin dahil alam mo namang may malubha siyang sakit. Isa din sa rason kung bakit ako pupunta ng gitnang Arslan anak ay gusto kong makapaghanap ng mga halamang gamot para sa iyong Ina." Natigilan ako dahil sa mahabang turan ni Ama na siyang dahilan kung bakit rin ako natahimik. Napalingon ako kay Ina kung saan nasa isa siyang kubo kung saan kausap ang kaniyang kaibigan.

Hindi maaari.

"Hindi maganda kung ikaw lang mag-isa ang maglalakbay, Ama. Alam mo naman kung gaano kadelikado ang mundong 'to na kahit sabihin man nating may angking lakas at liksi tayo, hindi iyon maibubura ang katotohanan na nasa paligid lang ang panganib." Turan ko kay ama pero parang hindi parin siya kumbinsido sa aking sinabi kaya napahinga na lang ako ng malalim. "At tiyaka Ama, marami namang magbabantay kay Ina. Ikaw ang importanteng bantayan at samahan lalo na't ikaw ang pinuno ng tribo na 'to." Dagdag ko pa pero seryoso lang niya akong tinitigan.

Siya ang pinuno at delikado para sa kaniya ang maglakbay na nag-iisa. Hindi ko hahayaan iyon lalo na't alam ko kung gaano kadelikado ang buong Arslan.

"Anak, huwag ng matigas ang ulo. Ako ay pupunta na sa Arslan para agad akong makabalik rito... bantayan mo na muna ang iyong Ina." Sisigaw pa sana ako pero bigla nalang siyang nawala sa harapan ko. Tumakbo siya ng napakabilis na siyang ikinalukot ng mukha ko.

Kaya siya ang pinuno ng tribo dahil sa angking bilis ni Ama. Alam niya kung paano ibalanse ng maayos ang kaniyang mga binti para hindi siya madapa sa kaniyang mabilis na pagtakbo. Hindi rin bihira ang lakas ni Ama lalo na't isa siya sa pinakamagaling na mangangaso sa aming tribo.

Golden Keys Of The Celestial Monsters [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon