Krayous
Anong susunod kong gagawin? Hindi ko na mahagilap ang amoy ni Ama dahil napakalayo na nito. Hindi ko rin alam kung nakarating na ba siya. Isa pa ay naguguluhan ako... naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung maniniwala ako sa babaeng naengkuwentro ko kanina. Sinasabi niyang isa siyang Diyosa at hindi ko mawari kung katotohanan ba ang kaniyang pinagsasabi. May mga sinabi pa siya sa akin na hindi ko masyadong naintindihan.
At hindi ito panaginip!
Kailangan ko daw paamuhin ang kaniyang mga nilikha na siyang mas lalo talagang nagpalito sa akin.
Napakamot na lang ako sa aking batok habang hawak-hawak ng isa kong kamay ang isang sandata na siyang hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako. Hindi siya ganoon kabigat at kitang-kita ko kung gaano rin ito kaganda sa malapitan. Ang diseniyong araw na nasa gitna ng hawakan nito ang siyang nagbigay ng sobrang angas sa espada.
Hinawakan ko na lang ang patalim na nakaipit sa aking pambaba. Ito ang sandata na siyang naiwan ni Ama at siyang naging parte na rin ng kaniyang buhay. Hindi pa lang ako isinisilang raw ay hawak-hawak na nito ang kaniyang sandata sa bawat pangangaso nito. Naging parang kakambal na niya ito at naging kasa-kasama sa lahat ng mga pagsubok at paglalakbay. Mas nauna pa nga raw ito kaysa sa makilala si Ina na siyang nagpangiti na lang sa akin ng matamis.
"Nasaan ka na ba, Ama?" Bulong ko sa sarili at pinilit na damdamin ang kaniyang presensiya pero hindi ko na talaga siya mahagilap.
Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid at hindi ko alam kung saan bandang lugar na ito pero ang alam ko ay nasa gitna pa din ako ng malawak na kagubatan. Kahit hindi ko kabisado ang mga lugar dito, dahil sa kakayahan ko, natatandaan ko pa rin ang daan papunta sa amin. Kaya kong balikan kung nasaan man ako dumaan kanina, ganoon katalas ang aking memorya.
Nagsimula ulit akong maglakad habang binabantayan ang sarili. Hindi ko alam at baka may mga miyembro ng mga Hulman rito o di kaya ay Banak. Hinawakan ko na lang ng mabuti ang espada na siyang bigay ng magandang dilag na iyon, o baka nga ay naiwan niya lang ito.
Nanliit ang mga mata ko nang may narinig akong mga kaluskos hindi malapit sa akin. Dahil sa talas rin ng aking pandinig, kahit nasa malayo man ito, naririnig ko pa rin! Agad akong naghanda at sinuri ng mabuti ang kapaligiran.
Nanlaki ang mga mata ko nang may mabilis na paparating sa akin at bago pa man ako matamaan nito ay agad na akong dumapa sa lupa at gumulong ng mabilis. Kinuha ko kaagad ang espada ng malayo ito ng kaunti sa akin. Hinablot ko rin ang patalim ni Ama at agad tumayo!
"Sino kang hampas-lupang lalaki ka? Bakit naririto ka sa aking teritoryo?" Nanlaki ang mga mata ko at kasabay no'n ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa nasisilayan ko ngayon! Isang hindi pangkaraniwang babae na halimaw na may napakalaking boses ang nasa harapan ko ngayon na tila galit na galit! Napalundag pa ako lalo nang bigla na lang itong umungol ng nakakatakot sa akin na siyang dahilan kung bakit ako nanginig ng kaunti!
BINABASA MO ANG
Golden Keys Of The Celestial Monsters [BL]
Фэнтези"Susuungin ko ang lahat ng pagsubok, mailigtas lang ang mundong hawak ngayon ng masamang tribo." A tribe that is not on the map will appear in the world, and a man from that tribe will be given extraordinary abilities by a Goddess. Ability that he n...