Chapter 1

9.9K 63 0
                                    


Happiness is a choice. Choose to be one, no matter how hard life is for you.

∆∆∆

Hindi ko lubos na inaasahan na darating ang araw na ito sa buhay ko. Sa tanang buhay ko na iginugol sa mundong ito, ngayon ko lang naranasang maging maganda?

Medyo shocking kase, sa edad kong trese, masasabi ko na pinagkaitan talaga ako ng tadhana pagdating sa kagandahan.

Ako lang ata ang babae sa balat ng lupa na pinagkalooban ng very unfair skin, yes, maitim ako. Ika nga ng mga kaklase ko nung elementary ako, galing daw ako sa isang pirasong uling na tinubuan ng mga kamay, paa at mukha?

Isang malaking katanungan talaga pagdating sa kapag mukha na pinag uusapan. Anyway, ang teoryang iyon na nilikha ng walang kwenta, arogante, impakto, tamad, palaaway, palamura, maputi, matangkad, matangos ang ilong, maganda ang kutis, mabango at gwapong si Reesce na kung babasahin mo ang pangalan niya ay sadyang Rees lamang na marahil ay nilagyan ang pangalan niya ng kaartehan at kabaliwan ng kanyang nanay.

Wait, andami ko nang nasabi dito. Eh di niyo pa nga pala ako kilala. Ilabas ang red carpet. Magsipaghanda ang mga cameraman. Lumuhod ang aking mga tagapagsuporta. Nandito na ang Dyosa.

Ako nga pala si Uno Mattice Ong Uy. Haba ng pangalan ko talaga at kasing ganda ko!

"Juan Matias Ongoy! Ang tagal tagal mo nanaman diyan sa banyo! Ano nanamang pinaggagawa mo diyan hang babaklita ka?" oh sounds good diba? She's my nanay na mahal na mahal ang kagandahan ko. Siguro nagtataka kayo kase iba yung pangalan ko sa pagkakatawag ni Nanay. Alam niyo kase ganito yun, Juan Matias Ongoy talaga totoong pangalan ko, ang baho at ang panget diba? Ong-ngoy talaga ang pagbasa ng apelyido ko na nagmula pa sa angkan ng aking ama na pinamanahan ng kanyang yumaong itay ng isang pirasong itik. Kaso dahil na rin sa walang kwenta, arogante, impakto, tamad, palaaway, palamura, maputi, matangkad, matangos ang ilong, maganda ang kutis, mabango at gwapong si Reesce na yan, ang naging basa ng apelyido ko ay unggoy. Hay sus ko po. Suck life noh?

Anyway, pano naging Uno Mattice Ong Uy ako? Well, well, well, dyesebel! Dahil hindi gaya ng nanay ni Reesce na nilagyan ng kaartehan at kabaliwan ang pangalan ng anak niya, ang nanay ko ay talagang pinagtaksilan ng kaartehan sa buhay. Wala siyang ganun sa sistema niya kaya ang resulta? Ang baho ng pangalan ko. So, ako na naglagay ng kaartehan sa sarili kong pangalan para naman kunware may kaartehan din ang nanay ko. Kaway kaway sa mga mahal ang kanilang nanay diyan.

"Juan Matias unggoy! Utang na loob lumabas kana diyan sa banyo at ako'y nabobomba na!" sigaw ulit ng aking mahal na Nanay Iting. Baho rin ng pangalan ng nanay ko noh? Interesada Matias kase totoong pangalan ni Nanay, eh mas nakilala siya sa palayaw niyang Iting kaya hayaan niyo na siya. Yah, yah, yah.

Balik tayo dun sa topic na "ngayon lang ako gumanda" thingy.

"Juan Matias unggoy ka talaga! Ano na? Tulog ka na ba diyan sa banyo?" dagdag ulit ng nanay ko.

"Madz naman. Wait lang! Lalabas na po. Bubuksan ko na pinto." sagot ko naman.

"Anong pinto pinagsasabi mo diyan?" tanong ni nanay.

"Ipipihit ko na ang door knob nay, konting sigundo nalang at...." sabi ko at naputol dahil..

"Anong pinto at door knob ka diyan? Kurtina lang merong ang banyo natin, ugok!" hay nako,  very love ako ng nanay ko. Feel niyo?

"Ikaw na baklita ka, sabi ko naman sayo na nabobomba na ako diba?" sabi ni Nanay sabay pasok sa banyo.

Naiwan ako sa labas ng banyo ng nakatapis ng tuwalya mula dibdib hanggang sa ibaba.  Iniisip ko nanaman na marahil ito na ang panahon para maipakita ko sa buong madla ang aking taglay na kagandahan. Pumunta ako sa aking kwarto at nagsimulang magbihis. Kinuha ko ang aking lumang pantalon na aking nilagyan ng mga butas para magmukhang ripped jeans. Maganda naman ang pagkakagawa ko. Next thing ay ang aking puting loose shirt at tenernuhan ko pa ng aking puting sapatos. Naglagay ng konting pulbos at lip tint saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang aking nanay na busy sa paglalaro ng solitaryo sa mesa.

"Nay, aalis ho muna ako." paalam ko sakanya na talagang busy sa kanyang baraha.

"Mabuti naman at naisipan mo nang umalis at purgang purga na ako sayo." sagot niya na halata ang pagkavery love niya saakin.

Marahil ay purgang purga na talaga saakin si Nanay, halos 1 taon kase akong di lumabas ng bahay. Inoff ko din ang aking cellphone para naman makayanan ko ang 1 taon na di lumabas. Wala akong ibang ginawa sa loob ng isang taon kundi maligo nang maligo, matulog nang matulog, uminom ng maraming tubig at kung ano ano pang mga bagay para lang maachieve ko ang Operation Gandang Itinadhana.

"Nay, baka ho pwedeng makahingi ng konting..."

"Abuloy?" biglang sagot ni Nanay.

"Nay naman." sagot ko ng biglang simangot.

"Juks lang, Juan sige antayin mo ako dito." sabi ni nanay at pumuntang kwarto niya.

Pagkalabas ni nanay ay siya ring dating ng aking amain na si Tiyo Din. Halos 10 taong na ring ang nakalipas magmula nang mamamatay ang tatay ko. Tatlong taong gulang ako noon. At halos walong taon na ring nagsasama sina nanay at Tiyo Din.

"Hoy bakla! San ang punta mo nanaman?" tanong ni Tiyo Din.

"Nanaman? Eh ngayon nga lang ho ako lalabas ulit." sagot ko lang.

"Hayaan mo na yang si Juan na gumala Din. Sige na punta ka na anak sa puntahan mo. Tara na Din at kumain ka na ng paborito mong aruz caldo." sabi ni nanay sabay bigay ng isang daan.

Lumabas na ako ng bahay dahil alam ko mainit naman ang ulo ni Tiyo Din saakin. Marahil siguro ay di niya pa rin makalimutan ang nakaraan. Hindi ko naman kasalanan yun eh, pero parang kasalanan ko rin.

"Ewan." tanging nasabi ko at kasabay non ang pagpatak ng aking luha. Pinunasan ko yun at saka naglakad na.

Nakarating ako sa isang bakanteng bahay, naalala ko na dito ako laging nagtatago kapag umiiyak ako. Dito na rin ako tumatambay kapag wala akong mapuntahan. Halos malapit lang naman kase siya sa bahay namin. Pumasok ako at naupo sa may sofa. Oo, may sofa talaga dito. Nahiga ako at saka ko dito ibinuhos ang sakit ng pakiramdam ko mula nung mangyari ang araw na yun na nagbago ng tingin saakin ng iba. Laking pasalamat ko at nanatili pa rin sakin ang nanay ko. Siya ang nagsisilbing rason kung bakit kinakaya ko ito.

Di ko na namalayan na napapikit na pala ang aking mga mata..

Ang Malanding Adventure ni UnoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon