Chapter 5

3.9K 43 0
                                    

You can never erase what happened from the past. All you need to do is to move on.

Back to Uno's Point of View

(note: kasunod po ito nung chapter 2)

Nakarating ako ng bahay ng mag aalas diyes na nang gabi. Naabutan ko ang Inay na tulog sa may bangkong kawayan. Kumuha ako ng kumot at kinumutan si Inay tapos dumiretso na sa kwarto ko.

Naghubad na ako ng damit at nagpalit ng pantulog. Akmang mahihiga na sana ako sa higaan ko nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Kumusta?" saad ng isang pamilyar na boses.

Kakaibang kaba ang naramdaman ko matapos makita ang pigura nang lalaking nagsalita.

"Kuya Javier?" saad ko na halatang nanginginig na ang buong katawan ko.

"Oo, Juan. Ako to ang Kuya Javier mo." sagot naman nito na nagpadagdag ng kaba ko. Nagbago ng kaunti ang itsura nito. Mas lumaki ang katawan na halatang nabatak sa trabaho. Mas pumuti ang balat at kuminis. Pero siya pa rin ang Kuya Javier ko na nagbigay ng bangungot sa buhay ko.

"Bakit po kayo nandito?" tanong ko na naginginig ang buong katawan.

"Bakit? Bawal na ba akong umuwi sa bahay na ito? Di ba ako namiss ng bunsoy ko?" sabi nito na may kalakip na pagnanasa sa tono ng pananalita nito.

"Ah, di naman po. Sige po matutulog na po ako." sagot ko nalang sabay takip ng kumot sa buong katawan ko.

Nakarinig ako ng yabag papunta sa pinto na ikinapasalamat ko, marahil ay lalabas na siya ng aking kwarto.

Pero mukhang nagkamali ako at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto at pagbalik ng mga yabag sa aking higaan. Kasabay nito ang pag upo ng Kuya Javier sa aking kama na mas ikinatakot ko.

"Diyos ko po." tanging bulong ko.

"Alam kong gising ka pa, Juan. Di mo ba namiss ang Kuya Javier mo? Di mo ba namiss ang laro nating dalawa?" tanong nito.

Ang laro ni Kuya Javier na siyang naging bangungot ng buhay ko. Sa edad kong walo ay napagsamantalahan na ako ng aking Kuya Javier, anak siya ni Tiyo Din sa unang asawa nito. Kinse siya noon at ako'y walo ng sinimulan niyang dumihan ang aking sarili sa pamamagitan ng halos araw araw na panggagahasa saakin.

Flashback

Nasa salas ako mga bandang alas dos ng hapon at dito ko naisipang maglaro ng aking mga paper dolls. May tatlo akong paper dolls. Si Sailor Moon, si Angel Locsin at si Marian Rivera.

"Juan, labas muna ako hah. Dito ka lang. Punta muna ako kina Tiya Epin mo at ako'y maglalabada. Pakisabi nalang sa Kuya Javier mo na magsaing nalang at baka gabihin ako ng uwi." pagpapaalam ni Inay saakin.

Nakita kong lumabas si Inay ng aming trangkahan at tinanaw ko siya sa aming bintana habang papalayo.

Ang Malanding Adventure ni UnoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon