Chapter 9

2.6K 41 0
                                    

There's always someone who can lend you their helping hand. In times that you feel so alone, try to look around and find that someone who was touched by God's hand.

∆∆∆

Sa edad kong trese ay mararanasan ko na kaagad ang malayo sa magulang. Noon pa mang bata pa ako ay di ko gusto o kahit kailan di sumagi sa isip ko na mapapahiwalay ako kay Inay. Kilala ko kase si Inay, mahal niya ako higit pa kanino kaya labis akong nadismaya ng mabasa ko ang sulat niya na sinasabi niyang mas mahal niya ang Tiyo Din. Masakit pero kailangang tanggapin.

Narito pa rin ako ngayon sa hospital. Kasama ko si Nate nagbabantay ng kanyang nakababatang kapatid. Nandito kami sa labas ng kwarto at ayokong pumasok.

"Pasok ka hijo dito sa loob, mainit diyan." aya sakin ni Tiya Ason, nanay siya ni Kate na sa pagkakapalagay ko ay nasa 70 plus na ang edad pero malakas pa.

"Ay, okay lang ho ako dito." sagot ko naman. Nag offer si Tiya Ason na sa kanila na muna ako tumira. Oo, tama, sa kanila na MUNA. Ibig sabihin ay di ako titira sa kanila ng pangmatagalan. Nagsuggest kase si Nate na ganun na nga. Actually nag offer din si Ate Nurse or si Ate Lourdes na pwede din daw ako sa kanila tumira. Kaso nga, nag offer na si Tiya Ason kaya di na ako tumanggi.

"What should I call you? Sis? Bro? Juan? Or Noy? Like what Ate Lourdes called you." pagbasag ni Nate sa aming katahimikan. Akala ko ay sobrang lalim ng kanyang iniisip ayun pala ay kung ano itatawag niya sakin. Nakakabuang din itong si Nate ah.

"Call me Uno." sabi ko sabay smile sa kanya.

"Oh em gee! You became pretty when you smile. I mean, your pretty but you became prettier. No, your pretty or beautiful. Yes, gorgeous. Yeah like that." sabi ni Nate na ikinagulo ng utak ko. Wala man lang bang konsiderasyon ang babaeng to at ginugulo niya pa talaga ako. I mean magulo na ang buhay ko, literally and figuratively.

"Thanks." sagot ko nalang.

"So you have your new name na hah." sabi nito ulit.

"Actually, i have a new name talaga. Its Uno Mattice Oy Ong." sabi ko naman na pilit ibinabalik ang kwela sa buhay ko. Hindi ko alam kung bakit di ko magawa kase alam kong mahirap pero kailangang labanan.

"Im gonna tell this to Ma. That you have your new name. Maybe you can change your surname na rin para naman we become sister na talaga." sabi ni Nate na di ko alam kung bakit ba ang gaan ng loob niya sakin. Yung iba diyan baka wala nang pakialam pa sakin pero siya she never doubted me as a person. She talked to me as if kilala na niya ako ng matagal na.

Napangiti nalang ako sa kanya. Pumasok si Nate sa loob at maya maya pa ay lumabas na ito ng may isang nakakapunit labing ngiti.

"I have a good news. I mean its good but its lucky news. No! Its a heaven news, yes." sabi nito na talagang nakakagulo ng buhay.

"Hm?" tanging sagot ko.

"We're going home na. You can rest." sabi nito. Medyo naexcite din naman ako pero chill lang.

Sumama ako sa kanya at sumakay kami ng kotse. Literal na mayaman sila siguro. May driver din sila.

"House, Archie." sabi nito sa driver at agad ding umandar ang kotse.

"Yes, Miss." sagot naman ni Kuya driver na Archie ang pangalan.

"Don't call me Miss, call me Nate, Archie." sabi ni Nate sabay roll ng mga mata niya na ikinagulat ko.

"I know your shock, Uno. Archie is my ex boyfriend. Yes, that's right." dirediretsong sabi niya na mas ikinalaki ng mata ko.

"Oh Em. I shouldn't told you that. Its so nakakahiya." sabi ni Nate.

Napatingin ako kay Archie, kaedaran lang nga siya ni Nate. Mukhang nadismaya ito sa narinig na ikinahihiya siya ni Nate.

"Actually, ang cool kaya. Your secret is safe." pauna ko nang sabi kay Nate.

"Thankie" sabi nito sabay yakap sa likod ni Archie habang nagmamaneho.

"Nate, nagdridrive ako. Baka maaksidente tayo." sabi ni Archie na base sa way ng pagsasalita niya ay halata mo na komportable siya kay Nate.

"My God Nate. Stop that." sabi ko naman. Siguro kailangan ko nang pag aralang maging close sa kanya.

Maya maya pa ay narating namin ang isang bahay?

"Bahay niyo to?" tanong ko.

"Yep, why?" tanong din ni Nate.

"Mall to eh. Ang laki." sabi ko naman.

"Starting this day, bahay mo na rin ito." sabi ni Nate, sabay yakap sakin saying...

"Welcome to your new home. My sweet Uno."

"Thank you." sabi ko habang biglang tumulo ang aking mga luha.

"Why are you crying? You didn't like it? We can buy a smaller house if you want." sabi nito sabay yakap ulit sakin.

"Overwhelm lang po ako." sagot ko. Ang swerte ko naman ata. Sana andito din si Inay. Para naman maranasan niya na guminhawa ang buhay.

Itinuro na sakin ni Nate ang aking magiging silid. Masyadong malaki ito. May sariling banyo. Kulay pink ang mga gamit na talagang girly ang style. Even though white is my thing. Okay na ito.

Iniwan na ako ni Nate para makatulog daw ako. Kailangan niya daw kaseng mag ayos at pupunta siya sa work niya. Mamaya raw ay baka umuwi na ang kapatid niyang naoperahan at si Tiya Ason daw ay agad ding lilipad papuntang State dahil sa nandun daw ang business nito.

Nasabi niya rin na magpapaluto siya mamayang dinner as a celebration to welcome me as their new family and to welcome her brother.

Bago ako makatulog ay napagdesisyunan kong maging mas open pa kay Nate. Sila na ang aking bagong pamilya kaya kailangan kong magpakabait at di magsawang magpasalamat sa kabutihan na binibigay nila saakin.

°°°°°°°°°°

The adventure of Uno starts next chapter.

Ang Malanding Adventure ni UnoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon