4. Ang sigaw ng puso o ng utak?

60 1 3
                                    

CHAPTER 4.

~ Uwian na. Nauna umuwi si Mawi. Sabay sila umuwi ni Jay. Lagi silang maaga umuuwi dahil sinusundo sila ng driver nila. Naiwan si Rap, Bell at Enne at tumambay sila sa cafeteria. Bumili si Rap ng pagkain. As usual, may naiwan na naman sa lamesa. Si Bell at Enne.  

Bell: Enne, parang ano..  

Enne: Ano?  

Bell: Wag ka maingay ah, pero parang nagugustuhan ko na si Rap.  

Enne: Ha? Ako rin naman ah. Kaya nga tropa natin sya e.  

Bell: Hinde.. Yung kakaibang pagkagusto na..  

Enne: Ano, crush?  

Bell: Ah, oo. Ata? Ewan. Parang -- Di ko alam..  

Enne's POV  

Ano? Hala. Ang hirap naman ng sitwasyon ko. Dalawang kaibigan ko may gusto sa iisang lalaki at tropa pa namin. Hay. Ano kaya gagawin ko? Sinong papanigan ko? Nalilito na ako  -____________-  

At dumating na nga ang alas sinko. Naisipan nang umuwi ni Bell at Enne. Si Rap naman, nagpatagal pa sa parking lot ng school.. Nagpahangin, nagisip isip.  

Rap's POV  

Hay, ang cute talaga ni Bell. :") Sarap nyang pagtripan HAHA. Ang sama ko naman. Ay wait, si Mawi.. Bigla ko syang naalala.. Bigla kong naalala yung kabaitan nya sakin.. Naalala ko .. .  

* Flashback ~  

Caf // Lunchbreak  

Mawi: Oh guys, ano turon tayo? Ikaw Rap? Ano gusto mo?  

Rap: Seryoso? Bait mo naman. Thank you! Bayaran nalang kita :)  

Mawi: Hala wag na, ano ka ba. :))  

Tapos tinutulungan nya pa ako sa mga kailangan ko lalo na sa school works. Naalala ko noon, may sasagutan kaming interview. Hindi ko alam yung spelling nung isang word, kay Mawi ko tinanong. Hihi, nakakatawa naman yun, napangiti tuloy ako :P  

At sinong makakalimot sa masarap nyang luto ng Bangus? Weee!! ^___^ Sarap ulit ulitin e haha!  

Pero . . . Ano 'to? Mabait sya. Mabait lang.

Mahiwagang MusikaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon