Sana Ako na Lang Sya

158 4 0
                                    

Mga ngiting abot mata,
Mga tawa nyong dalawa.
Ako’y naiingit bakit ganito?
Ang aking nararamdaman sa iyo?
.....
Sana ako na lang sya,
Nang kahit papaano ay mayroong tayo.
Na pwede ko ipagsigawan sa buong mundo,
Mahal ko.
.....
Di ako sya oo,
Tanggap ko.
Ngunit habang nagtagal,
Mas pinili kong mgaing sagabal.
....
Patawad kahit na,
Alam kong may kayo na.
Ngunit anong magagawa?
Kung talga mahal kita?
.....
Mahal ko,
Maari bang ako?
Ako na lang ang mahalin mo!
Upang magkaroon ng tayo na pwede kong ipagsigawan sa buong mundo!
......
Kaso ayaw mo!
Kasi ano?
Mahal mo sya!
Sana, sana ako nalang sya!
Ang nagpapasaya sayo
At nagbibigay ng buhay tuwing malungkot at wala kang gana
Sana ako na lang ang babaeng minamahal mo
.....
Sana ako na lang,Ang babaeng iniibig mo
Ng tunay mahal ko.

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon