...
Mga taong magaling magbigay ng motibo
Na akala mo may gusto sila sayo
Pero hindi naman pala kasi ganun lang talaga silang tao
Pag akbay nya sayo pag magkasama kayo
Paglapit nya ng mukha nya pag nag uusap kayo
At mga kindat nya na akala mo ay totoo
Mga ngiti nyang nakakainlove lalo na pag dahil sayo
Sweet messages na sinasabi nya na dahilan kung bakit kinikilig ka ng todo
Pagiging concern nya ng sobra sayo
Lahat na ba ito naranasan mo ? O hindi lang yan kasi marami pa. Marami pa siyang pinaramdam na di naman pala totoo.
Nagegets mo na ba kung sino ang tinutukoy ko?
Ito sasabihin ko na para malaman mo
Ang tinutukoy ko ay ang mga taong PAFALL
Mga taong alam na ngang may gusto ka sakanila pero sila go lang ng go.
Magkakaroon lang ng ilang araw na ilangan pero maya't maya ganun nanaman
Yung kaibigan lang ang maiibigay nila pero iba yung pinapakita nila
At lalong lalo na sa pinaparamdam nila
Yung pakikisama nya na hindi lang talaga para sa magkaibigan
Kundi parang magkarelasyon na nagmamahalan
Yung pakikitungo nyang pang magkasintahan
Kahit na ang kaya nya lang ibigay ay ang inyong pagkakaibigan na walang halong nararamdaman
O sadyang binibigyan ko lang ng kahulugan
Ang pakikitungo nya na ganun din ang pakikitungo nya sa iba nyang kaibigan
Wag nalang bigyan ng kahulugan para puso'y di masugatan
Mga taong pafall hanggang kailan kayo ganyan?
Isipin din ang mga taong nafafall dahil sa inyong pinaparamdam na wala palang katotohanan
Dahil puso nila ang lubos na nasasaktan
BINABASA MO ANG
Spoken Poetry
PoesíaSupport nyo po ito...And Follow me! sana po magustuhan nyo! 😘❤️