PAALAM

101 1 0
                                    

Anim na letra
Isang salita
Ngunit kapag ito'y binigkas sadyang sobrang sakit pakinggan
...
PAALAM, paano mo nga ba ito pakakawalan mula sa iyong bibig na ayaw itong bigkasin.
PAALAM, paano mo nga ba ito sasabihin na walang luhang aagos mula sayong mga mata.
PAALAM, paano mo ba ito sasabihin sa taong ayaw mong mawala.
PAALAM, paano nga ba ito sasabihin na hindi ka masasaktan.
PAALAM
Anim na letra, isang salita, madaling bigkasin subalit napakahirap sabihin sa
taong mahal mo.
Ngunit ang salitang ito,
na ayaw mong pakawalan ay ito rin ang kailangan mong bitiwan para ang sakit ay matapos na ng tuluyan.
.........
Masakit man at mahirap pero kailangan ko ng bitiwan ang katagang ito dahil ako nalang ang nakakapit at ikaw  pala ay bibitaw na.
Ako nalang ang nakakapit sa salitang
mahal kita.
Ako nalang ang nakakapit sa relasyong
meron tayo.
Ako nalang ang nakakapit sa pangakong walang iwanan.
.............
Ayoko mang sabihin ngunit ito'y kailangan na.
Kailangan ko ng kumawala dahil ako nalang ang lumalaban.
Kailangan ko ng kumawala dahil ako nalang ang kumakapit.
......................
Masakit man ngunit kailangan ko nang magpaalam.
PAALAM..
PAALAM NA SAYO...
PAALAM NA at tatapusin ko na ang salitang merong "TAYO".

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon