5 - Boarded Window

1.3K 93 8
                                    

Walang bakas ng iba pang tao dito sa Camp Tirso bukod sa presensiya naming apat. Ako, sina Samantha, at si Manuel.

Tanging si Manuel lang ang naabutan namin dito, at mula nang dumating kami rito, ni isang staff or crew ng camp Tirso ay wala pa kaming nakikita. If not because of Manuel, we would not see anyone else to answer our questions.

"Nasaan na yung ibang mga tao rito? Ikaw lang ba mag-isa rito ngayon?" tanong ko kay Manuel.

Kasalukuyan pa rin kaming naglalakad sa malawak na field nitong kampo nila. Lumalabas na malaki pa pala ito kaysa sa nakikita ng iyong mga mata mula sa labas.

Hindi siya lumingon. "Walang pasok ang mga staff ngayon, ako lang ang tao rito."

Tumango ako. Maya-maya lang, nakatanggap na naman ako ng text mula kay Samantha. 'Naiwan niya yung palakol niya rito.'

Oo nga no, hindi ko napansin na wala siyang dalang palakol. I replied back to Samantha that this is a good sign na wala talagang planong masama itong si Manuel. Then I immediately received a text from Marco saying that maybe Manuel has a different plan for me. Hindi na ako nag-reply.

"Pansin ko lang, natatakot yata ang mga kasama mo sa akin?" tanong bigla ni Manuel sa akin. He glanced back at me and I saw his eyes glinted when the moonlight came upon its view.

I sigh. "To be honest, medyo nag-iingat lang sila. Isang beses kasi muntik nang mapahamak ang buhay ko dahil sa trabaho ko. Pero dahil nandiyan sila, wala namang nangyaring masama sa akin," napangiti ako nang maalala ko kung paano hinarang ni Marco ang stalker ko na gusto sanang tumakas palabas ng pintuan ng fastfood chain kung saan kami nagkita ng stalker kong iyon.

Medyo nakakamangha nga dahil kahit medyo may katabaan si Marco, nagawa niyang gawin 'yon. He has fast reflexes compared to me and Samantha.

"Bakit napangiti ka?" he asked me.

"Naalala ko lang ang mga kasama ko, sina Samantha at Marco. Sila kasi yung laging nandiyan para sa akin, kahit magkatrabaho kami, parang matagal na kaming magkakaibigan," I honestly said it to him.

"Ang suwerte mo dahil may mga kaibigan kang kagaya nila. Samantalang ang kapatid ko, kahit katrabaho wala siya," aniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Si Monalisa ay isang independent writer. Natural sa kaniya ang magtrabaho nang mag-isa, ayaw niyang dumepende sa ibang tao. Wala siyang kasama noong pumunta siya sa Wichita. Nakalulungkot isipin na dahil sa pagiging suwail niya, nagdulot ito ng kaniyang pagkasawi." Ngayon, napatunayan ko na nalulungkot siya.

He's frustrated of his sister's rebellion. Nakakaawa din naman ang kalagayan ni Monalisa, dahil sa ginawa niya, itinakwil siya ng mga magulang niya.

She is also working alone by herself? That's quite hard to be honest. She's surviving alone, trying to live like a hermit. I still believe no man is an island but I highly expect that Monalisa is not just a normal woman.

"Kung hindi mo mamasamain. Puwede ko bang malaman kung ano ang ginawa ni Monalisa para magalit ang mga magulang mo sa kaniya?" I asked him. "Hindi naman kasi normal na itakwil ng isang ama ang kaniyang anak sa isang mababaw na dahilan. Don't take this wrong okay, I'm just curious to find out the reason why."

Tumigil si Manuel sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako. He was not moving as if he was suddenly entranced of thinking deeply.

Ilang segundo ang lumipas at narinig ko siyang bumuntong-hininga ngunit hindi sumagot si Manuel sa huli.

Tinalikuran niya ako at agad na naglakad. I decided not to push that question again. Baka magalit siya nang tuluyan at mawalan na ako ng tsansang malaman ang kasagutan sa mas marami pang tanong na gusto kong itanong sa kaniya.

Churchless TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon