17 - A Dose From The Past

999 51 11
                                    

The next happenings had stirred the peaceful night of Wichita.

Mabilis akong nagmaneho sa kalsada kung saan ay maingat kong iniiwasan ang lahat ng sasakyang makasasalubong ko.

I was following the map the receptionist has given me and I think I am driving on the right direction. Pero hindi magiging madali ang biyahe na ito. Ang kalsada patungo sa ospital ay maraming pakurba, at mas lalong wala akong ka-ide-ideya sa mga kalsada nila rito.

Sa bawat sasakyang nalalagpasan ko ay siya naman ang pagbulahaw ng mga malalakas na tunog na busina ng kanilang sasakyan. Minsan ay may naririnig pa akong nagmumura habang hinahampas ang pintuan ng kotse nila.

Despite our crucial situation, I held on the wheels as tight as I can, halos mamula na nga ang aking mga palad sa higpit ng kapit ko rito.

I looked to my eyes through the reflection of my face in the rearview mirror and all I can see is desperation. I am now desperate to save Manuel's life.

And a desperate woman knows nothing to be afraid of. Even death.

A few moments later and a few more blocks away from the hospital, couples of sirens had started blaring behind us. Napatingin ako sa sideview mirror kung sino ang mga sumusunod sa amin.

Mga pulis. They're here to catch up with us.

But there's no way for me to stop, kailangan kong madala sa ospital si Manuel. Hinding-hindi ako papayag na pigilan nila ako sa gusto kong mangyari.

I heard a voice coming from a loudspeaker from the police force. They want me to stop the van. I know they do, but I couldn't hear what they were saying. My mind only focuses on what's on stake here.

When I'm desperate, distraction is temporarily absent in my vocabulary.

That's when the hospital came into view. It's tall white colored walls greeted us in a very hopeful welcoming. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti, for the love of God, we are going to be saved.

Agad kong ipinihit sa direksiyon ng ospital ang van at ipinarada ito sa tapat mismo ng entrance nito. "Nandito na tayo," sambit ko kay Verm, nakita kong may suot na siyang damit, mukhang sakto lang sa kaniya ang mga spare clothes ni Marco na naiwan sa sasakyan.

Tumango si Verm at agad niyang binuksan ang pintuan sa kaniyang tabi. Lumabas na rin ako ng sasakyan at nakita kong pumarada rin sa aming likuran ang sasakyan ng pulis na sumusunod sa amin kanina.

Two uniformed police came out of their cab and they walked into my direction. May sasabihin sana sila sa akin nang makita nilang may naglabasang mga nurse sa labas ng ospital at nakita ng kanilang mga mata ang duguang katawan ni Manuel na inalalayan ni Verm palabas ng van.

They realized we are in a hurry. We're in an emergency situation and now they're thinking about Manuel's sake.

"Anong nangyari sa kasama ninyo?" tanong ng pulis na may badge sa kaniyang uniporme. Malalim ang kaniyang mga mata, at posibleng beterano na siya sa kaniyang propesyon.

Nanginginig pa rin ang aking mga kamay dulot ng mabilis na pagtibok ng aking puso. The adrenaline rush, the fear of having someone's life on the line, hindi ko mapigilan ang sarili kong mautal sa mga salitang sasabihin ko.

"Ma-may umatake sa aming halimaw sa madilim na kalsada papunta rito. Hi-hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng nilalang iyon pero may sungay siya, ta-tapos ang kulay ng balat niya ay itim na itim, pero ang mga mata niya ay pulang-pula naman ho." I sound like a crazy woman as I speak.

I can see the doubt in the police's eyes. Kumunot pa ang kaniyang noo na tila sinusubukan niyang bigyan ng kahulugan ang mga salitang sinambit ko.

"Base sa deskripsiyon mo iha, tila nakakita kayo ng isang halimaw?"

Churchless TownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon