Unibersidad na maraming sikreto
Nakukubli sa bawat sulok na kungkreto
Takot na masisilayan ay parang litrato
Kapag nagtiwala ka ika nila, ikaw ang Talo
Kabog ng dibdib tila dipapatalo
Bawat oras ay tila ba ginto
Pag inabot ka ng alas siyete dadanak ang dugo
Tila ba ang mga bago ay nalilito
Pero di nila alam sila ay mga eksperto
Sa mga buhay na nawala ng bigla
Di na magtataka dahil sa may pakana
Dalawang grupong parang may alaga
Nagmamasid at sumusugod ng walang pag aalala
Bihira ang nakaliligtas sa kamay nilang mabilis
Pag ika'y tinamaan siguradong walang mintis
Tyansa ng buhay mo dito ay numinipis
Kaya sigurading hindi kukurap baka isang araw ika'y laman na ng chismis
Dugo'y dadanak, Buhay ang mawawala
Pero alam mong ika'y may babala
Maling galaw mo, san ka madadala
Hihingi na lamang ng tulong sa mga tala
Mga namumuno naging gamhaman sa kapangyarihan
Tila kinalimutan na ang pinggalingan
Handang manakit para sa kahilingan
Magkaroon ng kapangyarihan na dadaigsa kahirapan
Nang matuklasan na siya ang sikretong sangkap hinahanap
Ginawang rayot ang munting gulo na nagaganap
Dahil dito lumabas ng tuluyan ang nakukubling ugali
Na ginamit nilang dagliAt nang hindi mapakali
Pinutol ang humahawak na taliSumaksak at Bumaril ng walang nababali
Dahil dito nagligtas ng buhay na madadali
Ngayong natapos na, huwag nang hilinging may susunod pa
Dahil ngayong handa na silaLalaban sila ng di mo nararamdaman
Mag ingat ka sa mga katagang. "ONCE YOU ENTER THERE'S NO TURNING BACK"
Hindi mo na alam kung buhay o patay kang matatagpuan.
Written by: Jaijai Cabug

YOU ARE READING
HUF Poems
Mystery / ThrillerA collection of poems written by some students from our Online University. PLAGIARISM IS A CRIME! Thanks to @maxcynnegirl for the book cover!