Hell University,
isang tagong paaralan na hindi saklaw ng gobyerno,
isang eskuwelahang puno ng misteryo ,
mag-iingat ka sa mga nakakasalamuha mo baka mamaya,
umaagos na ang iyong dugo.
mga matang nakamasid palagi
sa bawat kwento, palaging may mali,
maraming sikreto ang nakakubli,
tumahimik ka, kung ayaw mong mahuli.
kada sasapit ng gabi,
ang mga tao'y di mapakali,
huwag kang mag-iingay,
kung ayaw mong makita ang sarili monng nakahandusay.
mga katanungang kay hirap sagutin,
kuryosidad mo'y huwag nang pairalin,
sino na ang sunod na papatakasin,
sino na ang sunod na papatayin.
pagkatapos ng ilang araw na sumapit,
kamatayan ay papalapit,
huwag kani-kanino kakapit,
kung ayaw mong ang paningin mo'y lumiit.
kanino ka maaaring kumampi,
sino ang katiwatiwala't hindi,
ika'y mag-iingat sa'yong katabi,
pagdanak ng dugo't baka dumami.
Written by: Arwen PJau

YOU ARE READING
HUF Poems
Misterio / SuspensoA collection of poems written by some students from our Online University. PLAGIARISM IS A CRIME! Thanks to @maxcynnegirl for the book cover!