Isang tagong paaralan ang kanilang pinasukan
Paaralang di saklaw ng pamahalaan
Ito'y nakatayo sa gitna sa kagubatan
Anim na kabataan ito'y pinuntahan.
Ngunit lingid sa kanilang kaalaman
Buhay nila'y malapit sa kapahamakan
Pinagkait sa kanila ang kalayaan
At sa halip ay itinaya ito kay kamatayan.
Nakasakai ng trahedya at patayan
Di kalaunan ay kanilang nalusutan
Nakalabas ng ligtas sa kawalan
Nagkaroon pa ng magandang karanasan.
Sa pangalawang kabanata ng kanilang buhay
Kapwa sila namuhay ng matiwasay
Sa kabila ng mga problema sila'y magkakaramay
Kahit pa sa nakaraan nila'y maraming namatay.
Di katagalan isang sikreto ang nabunyag
Ang dating magandang sinag tila di lumiwanag
At sa halip katotohanan ang gumimbal sa lahat
Katotohanang sa lahat ay nagdulot ng lamat.
Kahit nalaman nila ang sikreto
Sikretong nagpabago sa pagkatao
Nasilayan pa rin nila ang mundo
At namuhay ng masaya ang puso.
Written by: Bernadeth Corales

YOU ARE READING
HUF Poems
Mystery / ThrillerA collection of poems written by some students from our Online University. PLAGIARISM IS A CRIME! Thanks to @maxcynnegirl for the book cover!