10.

159 5 10
                                    

talo

---

MALAKI ANG NGISI ng lider ng mga rebelde na si Hades habang hinahawakan ang patalim ng maliit na kutsilyo. Mapaglaro ang ipinupukol niyang tingin sa mga angkang nasa harapan niya. Pinipigalan ang pagtawa sa tapang ng kanilang mukha, animo'y kaya silang patayin ano mang oras.

"Hindi ka ba natatakot na baka matalo tayo?" tanong ni Yoel, ang pumapangalawang lider ng kanilang grupo.

Liningon niya ito at mahinang tumawa. "Bakit naman?"

Muli niyang ibinalik ang tingin sa angkang nasa harapan niya at mas sinuri ito. 'Di hamak na mas marami sila kaysa sa kalaban. Nakahilera sila sa kanilang harap, sapat na layo upang matantya niya ang binabalak ng mga ito.

Dala nila ay mga naglalakihang tabak at kalasag, habang sila'y mga pana at kutsilyo. Ang madilim na langit sa dulo ng kagubatan ay animo'y nakikisama sa laro.

"Magaling ang mga iyan at marami ng napanalunan. Isa pa, sila ang bida. Bakit ba pumayag kang makipaglaban sa kanila?" Nahalata ang takot sa boses nito.

Bakit ba pinili ni boss ang duwag na 'to? Kung sabagay ako lang yata ang matino niyang kinuha, wika niya sa isip.

"Sabihin na lang nating, binulungan ako ni boss kanina sa mangyayari ngayon," tugon niya sa isang nagmamalaking tono. "Isa pa, hindi laging bida ang panalo."

Hindi maiikakailang magaling talaga ang boss ng mga kalaban, pero wala silang panama kapag ang boss na nila ang nagdesisyon.

Itataas na sana ni Hades ang kaniyang kutsilyo upang umpisahan ang laban, masyado na kasi siyang nababagalan sa kilos ng kalaban. Ngunit naunahan siya ng lider ng mga bida na si Zeus.

"Sugod!"

Kasabay ng pagtaas nito ng tabak ay ang panandaliang pamumuti ng kalangitan dahil sa kidlat na tumama sa gitna, na sinundann ng malakas na pagdagundong ng kulog.

Nang magbalik sa normal ang lahat ay naunang tumakbo si Hades papunta sa lider ng mga kalaban. Habang nagsimula na sa paglalaban ang dalawang kampo. Mga kalaksing ng kutsilyo ang nagpa-ingay sa paligid. Wala siyang nararadamang kaba dahil  sa kaniyang paniniwalang mananalo sila sa laban.

Kasabay ng kaniyang paglapit ay ang paghahanda ni Zeus sa kaniyang tabak.

"Humanda ka sa'kin!" sigaw ni Zeus, animo'y itatarak ang tabak kay Hades ng mapigilan niya ito.

Dumugo man ang kamay ni Hades dahil sa paghawak ng tabak ay hindi niya na ininda pa. Gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi ng unti-unti niyang naramdaman ang pagkontrol ng boss sa kaniyang katawan.

Mabilis niyang sinipa ang tuhod ni Zeus dahilan para mabitawan niya ang tabak at maupo sa damo. Pumatong si Hades at idinikit ang kutsilyo sa kaniyang leeg.

"Pasensya na, Zeus pero sa larong 'to, walang panama ang boss mo sa boss ko."

Sinubukang magpumiglas ni Zeus, ngunit huli na. Kinuha ni Hades ang tabak na kaninang gamit nito at siyang ipinutol sa ulo ni Zeus.

Natahimik ang kalaksing ng mga kutsilyo at tabak ng makita ang paggulong ng ulo ni Zeus.

Tatlong salita ang narinig ni Hades mula sa labas na mas lalong nagpadiwang sa kaniyang pagkapanalo.

"Putcha, pare, talo!"

Metanoia: SHOW-OFF BATTLEWhere stories live. Discover now