Chapter 1

123 4 1
                                        


Lexie


Nakaka ilang hakbang palang ako patungo sa sala nang marinig ko ang pagtatalo nila Chan at Kaile. Pababa ang mga ito galing sa kani kanilang kwarto.. Oo, kahit kasal na kami ni Chan ay nakahiwalay pa din ang kwarto ko at sakanya.

"Edi sige, ipagsigawan mo sa buong university na my asawa na ako, dyan ka masaya eh. Para kang si John, Na hindi matanggap na ako ang ipinakasal sa lintik na babaeng yan" napatigil ako sa paghakbang ko dahil sa sinabi nya. Nakatingin pa ito sakin na puno ng galit.

"So yon pala,isa lang lintik si Lexie sayo?" Pinagdiinan pa ni Kaile ang salitang "lintik" at humarap sakin. hanggang sa nakababa na ang mga ito ay nagsasagutan pa din.

Nasasaktan ako,hindi dahil sa hindi niya ko mahal kundi dahil sa isang salitang yon. Nauna na kong lumabas upang hindi ko sila makasabay. Ngunit laking gulat ko ng biglang may humawak sa kanang braso ko at hinatak ako papunta sa bagong biling kotse. Regalo ito nina Mom at dad para samin ni Chan.

Binuksan nito ang pinto sa passenger at patulak akong pinasakay. Hindi ko sya kinibo dahil masasayang lang ang laway ko este ang oras ko. hinintay ko syang makasakay at pinaandar ang kotse.

"Maglakad ka kapag malapit na tayo sa university, alam mo naman na ayokong malaman nila lalo ni Hannie tungkol satin" hindi ako sumagot. Bahala sya magdaldal, talent nya naman kasi yan.

Hindi ko namalayan na malapit na kami sa school. Huminto ang kotse, mga benting hakbang lang naman ang layo este lapit.Hindi ako mapapagod.

Pagkababa ko palang ng sasakyan umalis nalang ito bigla.Hindi man lang nagpaalam o magsasabi kong isasabay ba nya ako mamaya pag uwian, nauuna kasi syang natatapos ang Klase..hayss..

Chan Lorenz Park.. Kailan ka magbabago ng ugali mo.. Kailan mo mapapansin ang pagpapahalaga ko bilang asawa mo?..



Kakapasok ko palang sa una kong subject, ang Math..bakit kasi may ganito pa din hanggang college, masaklap pa, part ng accounting :( ayoko na sa earth :(

Wala pa naman yong Prof namin kaya naupo lang muna ko at yong iba, todo chikahan.. Napatingin ako este kami sa biglang pagsulpot ni Kaile sa pintuan, Tumingin muna to sa mga classmates ko hanggang padako sakin.. Napagtanto kong hindi sya nag iisa, kasama nya ang mga kaibigan slash classmate nya. Hindi naman kasi nagkakalayo ang edad namin pero magka iba ang kursong kinuha.

Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Kaile. Yumuko ito para pantayan ako, nakatingin lang ako sa kanya dahil hindi ko alam kung magsasalita ba ako o ano.

"Sakin ka sumabay mamayang lunch,hihintayin kita sa cafeteria". Hindi ako nakasagot agad sakanya dahil iniisip ko na baka magalit si Chan sakin.

"Don't worry, libre kita". Pahabol pa niya bago ito naglakad palabas ng room.

Napa nganga ako.Ano na lang sasabihin ni Chan sakin, baka madagdagan pa yong salitang "Lintik" ng "Malandi" .hayss sakit din sa ulo itong si kaile eh.

Habang nagtuturo ang Prof ko, walang pumapasok sa utak ko.pati kaninang unang subject wala din. napahiya pa ko dahil mali yong sagot ko.. langyang Kaile na yon nag aasar talaga sa kapatid nya.

"That's all for today,Review well". ayon nga umalis na si Prof na wala man lang akong natutunan.Nilamon na ni Oppa este ni Kaile ang mga oras ko.

Inayos ko ang mga notes ko at nilagy sa bag ko. Handa na akong lumakad ng harangin ako ng isa sa classmate ko.

"So ano ka ni Kaile? Bakit ka niya pinuntahan dito mismo sa room? alam mo bang ito ang unang beses na umapak sya sa building natin? my gosh! ikaw pa! ikaw pa yong reason kaya sya pumunta dito".

The Brother's WifeWhere stories live. Discover now