Rian's POV
Nandito kami sa principal's office dahil pinatawag kami .. natural !
Nalaman pala nila ang nangyari kay Red kanina.
Napag alaman na totoo talaga na ang Red Death ang may kagagawan ng lahat."Alam kong marami ng kakaibang nangyari sa school natin, pero hindi pa ito ang tamang panahon.. hintayin na muna natin siya." Saad ni Principal Drevil
"Hihintayin lang ba natin na marami nga mamatay dito sa school natin bago natin simulan ang laro ? " seryosong wika ni Drave
"Meron pa akong hinihintay na tawag.. at kung dumating na iyon..
Sisimulan na natin ang lahat " sagot ni principalLumabas na kami sa principal's office at papunta na kami sa gangster's field.
Ewan ko kay Drave bakit gusto niyang pumunta dito , sa pagkakaalam ko ayaw niyang manuod sa mga mahihinang gangter's fight."Anyari ? " pangusong turo ni Rylle sa pwesto ni Drave
"Ewan" utal ko habang nakatingin sa mga nag-aaway
"Hayysstt kailan pa kaya lalakas ang Sorrows ... palagi nalang silang natatalo " bulalas naman ni Drake
"May mahalaga kaming anunsyo ngayong araw. Alam niyo naman na nandito ang Primus. Sa pagbisita nila ngayon may humamon sa kanila " biglang sabi ng Emcee
Nakita kong napangisi si Drave. Tss alam ko mahihina na naman ang humahamon sa amin...hayssstt boring.
"Tara na " sabi ni Rylle
Lumakad na kami papunta sa entablado na napapalibutan ng mga nakamaskarang tao ( kami rin pala nakasuot ng maskara ) .
Habang kami ay patungo doon ang tahimik na paligid ay biglang umingay dahil sa mga dumating.
Isang grupo ng kababaihan ang nakasuot ng maskara ang tumapak sa entablado. So sila pala ang humamon sa amin ? Hayys sayang kayo chickssss.. huhuhuhu
" Astig nila " kahit naka maskara kami alam ko na si Rylle yon.
" Ang mga babaeng grupong ito ang humamon sa Primus " sabi ng announcer.
Napansin ko ang leader nila , ang kaniyang pulang mata ang lalong nagpa attract sa kasuotan niya.
Kung pakikiramdaman mo siya parehas sila ni Drave, walang ka emosyon2.
Nakita kong lumapit si Drave sa babae at ngumisi ito. Bigla nalang tinadyakan ng babae ang paa ni Drave, sinyales na mag uumpisa na ang labanan.
Dito sa gangster fight , hindi pwdeng pumatay , parehas lang din ito sa paaralan. Ang kaibahan lang dito ay mayroon itong mga position. Ngayon, nangunguna kami sa Rank 1 at ang pangalawa ay sila fiona ang Dark Dos.
Kung mayroon man ang manghahamon sa amin at natalo kami , automatic na magiging ika rank 5 na sila.
Ang basehan sa bawat position ay ang mga tinalo mo o ang mga napanalunan mo. Kaming Primus wala pang nakatalo sa amin kahit isa.
Dahil sa pagkabusy ko sa pagkwekwento sa inyo hindi ko namalayang nahinto pala ang labanan kasi mayroong dumating.
Isang matandang lalaki na nakamaskara ang nagpatahimik sa paligid. Ang presensya niya ay nakakatakot mas nakakatakot pa kaysa kay Drave.
Lumakad siya papunta sa pwesto ni Drave at yung babaeng tumadyak sa kaniya. Biglang ngumisi ang matanda at biglang humahalakhak.
Bakit ang lamig ng paligid ? Na parang napapaligiran ang buong gangster field ng mga malalakas na tao. Sino kaya ito ? At bakit niya hininto ang away ?
Drave's POV
Hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan ko kung sino ang lalaking iyon at bakit parang pamilyar sa akin ang mga babaeng nakalaban namin kahapon.
Papunta ako sa punong paborito kong tambayan ng palapit na ako don nakita ko si Maria na nakaupo sa ilalim ng puno habang nakapikit ang kaniyang dalawang mata.
Kung titingnan mo siya malalaman mong malalim ang iniisip niya.
Lapitan ko kaya siya ? ...
Baka mag walk out? ..
Hayyyst ano ba yan 😑
BINABASA MO ANG
SATANA " Death is in my Hand "
Misteri / ThrillerShe's the daughter of satan , She's dangerous , She's cold, . . . . Her name is Satana.