Chapter 3 - The Monster Inside

12.4K 268 7
                                    

~~~Bully~~~

Habang naglalakad ako sa hallway, busangot na busangot ang mukha ko.

Pinagsisipa ko rin ang mga nadadaanan kong mga bagay kaya naman nagkalat yung mga yon sa daan.

Yung mga teacher naman na nakakakita sa ginagawa ko eh patuloy lang sila sa pagtuturo sa loob ng mga classroom nila na parang wala silang nakikita at hindi ako pinapakelaman ni pinapagalitan.

Takot lang nila sakin lalo na at napakalaki ng dark aura sa paligid ko.

Lalong kumunot ang noo ko nang maalala ko yung nangyari kanina sa room.

Kaya sobrang lakas kong sinipa ang isang trash can na nasa harapan ko ngayon at nagkalat ang mga laman nitong basura.

Tumama naman ang lalagyan non sa pader.

Grrrrrrrrrrrrr...!!!

}:<

Nagngingitngit talaga ng sobra yung kalooban ko!

Hindi ako makakapayag na ang isang tulad lang nya ang makapagpapahiya sakin.

Not even anyone!

Wala pang nakakapagpahiya sakin ng ganun sa tanang buhay ko!

Bigsh*t talaga!

Badtrip na nga ko, lalo nya pa kong binwiset!

Baka di nya alam, nasa teritoryo ko sya!

Napakuyom ako ng kamao ko sa inis pero nang napatingin ako sa mga nagkalat na basura, lahat ng pagkainis ko ay napalitan ng pagkathrill...

Basura?

Hmmmm... Alam ko na kung paano ako makakaganti sa Winter na yon... >:}

This time, I will make sure that she is the one that will be filled with humiliation!

"Tingnan na lang natin ang tatag mo pag minarkahan kitang Trash... Kahit na babae ka pa."

Napangiti ako sa naisip kong evil plan... >:]

I can go this far just to avenge myself, even more my EGO!

Bwahahahaha!!!

Hindi ako makakapayag na hindi ako makakaganti sa isang yon.

Ako pa ang kinalaban nya!

Poor thing, annoy anyone but not ME!

Nang magbell na dahil uwian na, bumalik ulit ako sa room namin pero hindi ako pumasok sa loob.

Sumandal lang ako sa gilid ng pinto ng room namen sa labas...

I'm waiting for someone...

We will do a show here outside our classroom.

What's the title of the show?

MARKING MY NEW TRASH!

Sumilip muna ako sa loob para siguruhing hindi pa sya nakakauwi at nakita ko nga sya na papalabas na ng room...

Sumandal ulit ako sa gilid ng pinto at hinintay ko syang dumaan.

May ibang mga lumabas na mga kaklase ko na mukhang dadaan dapat sa harap ko pero kapag nakikita nila ako dito na nakasandal eh hindi na sila tumutuloy at naglalakad na lang paalis.

Ilang saglit lang eh lumabas na si Bangs kaya pagkadaan na pagkadaan niya, pasimple kong iniharang yung paa ko kaya natalapid sya.

Napasubsob sya sa sahig na ikinatigil ng lahat ng tao na naglalakad sa corridor.

Her Emotionless EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon