Kinabukasan...
~~~Tagapagsalaysay~~~
Nagising na si Winter na nasa bahay nya na at nakahiga sya sa kama nya.
Napatingin pa sya sa paligid para siguraduhing kwarto nya nga talaga yon at di naman sya nagkamali.
Hindi nya alam kung papaano sya napunta doon at sino ang nagdala sa kanya doon pero hindi nya na inisip pa yon.
Tumayo na sya at naglakad palabas ng kwarto nya.
Parang nakalimutan nya na rin ang lahat ng nangyari nung gabing iyon. Bumalik sya sa normal nyang sarili.
Walang mababakas na ano mang emosyon sa mukha lalo na sa mga mata nya.
Para bang dahil sa napakarami nyang masasamang ala-ala ay isa lamang ang pangyayaring yon sa mga minor na nangyari sa kanya kaya hindi nya na iyon inintinding mabuti.
Nakita nya ring may mga bago na syang gamit at uniform na nakalagay sa may sala nya pero hindi nya na inisip o inalam kung kanino galing yon.
Ang mahalaga ay may mga bagong gamit na sya.
Naligo na sya at nag-ayos na sya saka sinuot ang bagong uniform nya.
Pumasok na sya kahit late na.
*---***---*
~~~Bully~~~
Vacant time na namen at malapit nang magtime para sa susunod na subject.
Bored na bored ako ngayon dito na nakaupo sa upuan ko.
Tiningnan ko naman si bangs sa kanan ko.
Deretso lang na nakatingin sya sa unahan.
Tss! Para talagang may sariling mundo ang isang to!
Nabalitaan ko kahapon na may nagkulong daw sa kanya sa may C.R ng girls hanggang umaga.
Ipinagtaka ng lahat na pumasok pa rin sya na nakauniform at may bagong bag.
Ang sabi, yung bag nya na gamit nya noon na naglalaman nung mga gamit nya eh nandon nakalutang sa may pool pati yung mga gamit nya at yung pang P.E nya eh ginutaygutay at itinapon lang sa tapat ng locker nya.
Mukhang may ibubuga talaga tong isang to.
Mas maganda na rin yung hindi sya agad nagtransfer out para naman machallenge ako.
Mas titindihan ko pa ang mga gagawin ko sa kanya pero di naman yung sobra sobra.
Kung baga parang maglelelevel 2 lang ako o 3.
Pataas yan ng pataas habang tumatagal para exciting.
Tingnan ko lang kung kaya nya pa ring idisplay sakin yang expressionless nyang mukha!
Napangisi ako sa naisip ko.
May nahagip ang mga mata ko sa sahig kaya naman tiningnan ko yun at crumpled paper lang pala...
Ting! (Light Bulb ulit)
Bwahahahaha!
May evil plan na naman akong naisip.
Pero mild lang to.
Syempre, uunti-untiin ko nga muna sya para masaya diba?
>:}
Tumayo ako at lumapit ako dun sa isa kaklase namen na nagsusulat.
Assignment siguro to para sa next subject.
BINABASA MO ANG
Her Emotionless Eyes
RomancePUBLISHED UNDER DREAME He's a bully, egoistic, at lahat ng gusto niya, dapat nasusunod. Kinatatakutan siya ng lahat sa eskwelahang pagmamay-ari ng pamilya niya. But there's a girl who caught his attention. This girl has emotionless eyes. Blank expre...