Chapter 2:Twins

9 1 2
                                    

FALL'S POV

I can't believe this! Someone stole my precious first kiss. Huhuhu! Ang sarap pumatay ngayon!Nakakainis!!!!!!Gusto kong magwala! Mami! Dadi!
Tsk. Ikakain ko na ngalang ang kasawian ko ngayon.

Pagdating ko sa bahay pumunta kaagad ako sa kusina para maghalungkat ng makakain habang naghahanap ako pumunta naman si Nay Lourdes sa gilid ko.

"Oh Chess, nandito ka na pala." sabi ni Nay Lourdes

"Opo Nay. Naghahanap lang po ako ng makakain dito." magalang na sabi ko

"Ay naku. Oo nga pala Nak wala tayong grocery dito. Naubusan tayo" parang namomoblema niyang sabi

"Ay ganun po ba? Ako na lang po ang mag-gogrocery ngayon." sabi ko habang nakangiti

"Salamat Nak. Eto, ang pera na binigay ng Mommy mo sa akin." sabi niya habang inaabot ang 15 thousand

"Grabe, ang laki naman ng binigay ni Mami?" tanong ko

"Ganyan talaga ang mommy mo,para hindi na raw pabalik-balik sa supermarket."sabi niya

" Ah.. Sige po. Alis na ako Nay"paalam ko sa kanya

Tumango lang si Nay Lourdes sa akin. Habang naglalakad ako may nakita akong lalaki na nakasuot ng hoodie. Nakakapagtaka naman. Nakahoodie siya pero ang init? Hayaan na nga baka trip niya lang.

*after 15 minutes*

Nakarating na rin ako sa Supermarket. Nagjeep ako papunta sa Supermarket.Tsk!Bakit ganito?Feeling ko may makikita akong tao ngayon? Ewan.Ang weird naman.

Ano nga bibilhin ko? Kinuha ko ang listahan ng bibilhin na binigay ni Nay Lourdes kanina. Habang tinitignan ko ang listahan may nakabunggo ng likod ko.

Tinignan ko ang nakabunggo at mukhang tama nga ang feeling ko dahil nakita ko nanaman ang pinsan ni Eli. Ang pinsan niyang suplado.

"Sorry Miss!Di kita nakita" sabi niya habang nakayuko

Teka? Bakit parang hindi siya? Eh kasi naman nagsosorry siya at parang di niya ako kilala? Ay tangek. Nakayuko nga pala.Katangahan rin naman talaga Fall

"H-ha? Ay sorry rin" sabi ko sa kanya

Tumingin siya sa akin pagkatapos ngumiti? What? Ngumiti siya?! Impossible!Eh parang wala lang ako kahapon sa kanya ah? Napakawierdo naman niya kung ganon.

"Miss? Bakit?" naguguluhang tanong niya

"Di mo ba ako nakikilala?" tanong ko sa kanya

"Eh? Di pa naman kita nakita" sabi niya na para bang nag-iisip

"Ok. Tsaka,anong di pa nakita? Anong tawag mo sa akin ngayon kung ganon?" medyo pataray na sabi ko sa lalaking kausap ko

"Hehehe oo nga naman."awkward na sabi niya

" Pero nakita na talaga kita eh.. Kahapon nagkita tayo, alangan namang standee yun eh nagsasalita at naglalakad. "parang pamimilit na sabi ko

" Uh.. Baka yung kambal ko ang ibig sabihin mo? "sabi niya na  nagtatanong pero halatang sigurado siya sa sinasabi niya

Kambal? Magkakambal silang dalawa? Pero bakit ang bait naman neto? Eh napakasuplado nung lalakeng yun!Napaka tipid magsalita.

" Ah ganon ba? Sige sorry ulit, tsaka salamat. "sabi ko ng akmang aalis na sa harapan niya

" Miss teka, I'm Aiden Hunter, you are? "sabi niya sakin ng may malapad na ngiti

" Duchess Fall."sabi ko ng may tipid na ngiti

The Bad Boy who Stole my First Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon