Chapter 3:Caiden Archer Grey

14 0 0
                                    

Fall's POV

"I will comeback for you and when I'm back your name will change."a little boy said while looking at the little girl

"Why? Can't you just stay here and be my friend?" the little girl said while crying

"I can't. But I'll surely come back to you and make you my wife.For now, goodbye Chess" he said

"Byebye-"

*kringggggg-kriiiiinnggg*

Naman oh! Bakit kasi 7:30 am ang unang klase ko?! Masarap ang tulog ko ngayon eh!!

Hmm... Nakakapagtaka naman yung panaginip ko.. isang batang lalaki at isang batang babae na kamukha ko? At talagang napaka sweet naman nila.. pero! Ewwwww!! Walang Forever Uy!

Naligo ako at nagsipilyo pagkatapos bumaba na ako para kumain. Pagkababa ko dumiretso ako sa kusina para kumain ng makita kung wala si Inday dun.

Nasan yun? Bakit niya iniwan ang sinaing? Kung nagtataka kayo kung bakit ngayon lang si Inday nagsasaing eh dahil ala sais pa lang naman ng umaga.

Di rin nagtagal dumating na si Inday galing sa may banyo dito sa kusina.

"Inday bakit mo iniwan ang sinaing?" tanong ko

"Eh kasi ma'am, na-iihi na kasi ako" sagot niya

"Wag mo na ulit iwanan ang sinaing. Di yan tulad ng tao na sanay maiwan." sabi ko habang nagsisimula ng kumain ng tinapay

Napakurap na lang si Inday at dahan-dahang tumango sa akin. Pinagpatuloy niya na rin ang kanyang ginagawa. Nang maluto ang kanin kumain na ako.

Ilang minuto lang ay natapos na rin akong kumain ng breakfast. Lumabas na ako ng bahay at nakita si Mang Kudo sa labas.

Huwag kayong magtaka kung bakit wala sila Mami dito. Maaga kasi sila umaalis kapag weekdays.

Pumasok na ako sa kotse at nagumpisa namang mag-drive si Mang Kudo.

Kinakabahan ako sa bago kung school. Sana naman di sila bully sa mga bagong estudyante. Haaaayyy..

*riiinnggg*riinnnnnggg*

Calling Sissy Charlotte

Eh? Tumatawag si Charlotte? Bakit kaya?

[Yes Sis?]

[Sis! Waahh! I miss you!]

[Hahaha I miss you too Sis]

[Btw Sis, kinakabahan ako sa bago nating school]

[Yeah me too. Bago kasi ang mga tao na makikita natin tsaka bago rin ang environment]

[Yes Sis. You're super duper correct. Sige Sis! I just called to tell you that I miss you. Love you Sis babye!]

Hahaha nakakatuwa talaga si Charlotte. Napakasweet! Excited nako tuloy makita silang dalawa ni Elaine.

Mga ilang minuto nakarating na rin ako sa school. Wow! Ang laki at ang lawak naman ng Clark University.

Nagsimula na akong maglakad papasok ng school. Marami akong nakita na mga trophies sa loob ng isang malaking cabinet na gawa sa glass. Pagpasok mo sa hallway makikita mo siya sa gitna.

Hmm.. Mukhang ito ang trophies na napanalunan ng school.

Habang naglalakad ako may biglang sumigaw galing sa likod ko.

"Sissy Fall!" sigaw ng dalawang babae

Pagtalikod ko niyakap ako bigla ng dalawa. Hays. Akala ko naman kung sino yun pala sina Elaine at Charlotte lang.

The Bad Boy who Stole my First Kiss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon